Pano Naman ang mga Sawi Ngayong February?

Pebrero na naman. Buwan ng pag-ibig. Bukambibig na naman ng mga tao ang "Uy, malapit na ang Feb 14, may ka-date ka na ba?"

Valentine na naman. Love is in the air. Uso na naman ang Valentine's sale at promo sa mga department stores, restaurants at hotels. Marami ring pacontest sa mga radyo, TV at internet na ang papremyo sa mananalo ay date sa isang kilalang restaurant o resort out of town.

Valentine na naman at pag gantong panahon, hindi lang lovers ang nagmamahalan, pati na rin presyo ng mga bulaklak. Bigla rin nagsisilabasan ang mga mamahaling tsokolate at mga kung ano-anong hugis puso at kulay pula sa mga malls at bangketa.

At dahil Valentine, siyempre hindi magpapahuli ang mga pulitiko. Happy Valentine's Day, bati ng mga nakakakalat na tarpaulin sa buong siyudad, nakapako sa mga puno kung hindi nakasabit  sa mga cable ng kuryente. Pagbati mula sa isang tumatakbong mayor kasama ang kanyang bise. Mga pulitiko talaga, maibandera lang ang pangalan, kahit simpleng okasyon, pinapatos na. Pwede naman sanang Kung Hei Fat Choi na lang, mas acceptable para sakin. Sabay naman kasi.

Pebrero. Kung masaya ang mga lovers, pano naman ang mga walang minamahal? Nakita ko ang poster na ito sa facebook. Hindi nila ako promoter or anything, natuwa lang talaga ako dito. Napansin ko agad dahil catchy naman talaga kahit simple lang, dinaan sa title eh. Gabi ng mga sawi. Ang galing naman ng pakulo na naisip ng bar. Pihado bebenta to, kahit sa mga hindi talaga sawi.


Hay, Pebrero na naman. Ang pinakamaiksing buwan pero pagdating siguro sa measure ng happiness, hindi rin ito nalalayo sa Disyembre. Pag Pebrero kasi parang lutang din palagi ang mga tao, ang mga in love lalo.

Popular Posts