Ang mga Mumbaki ng Ifugao

"Mumbaki" ang tawag ng mga Ifugao sa kanilang manggagamot. Higit sa kapangyarihan ng isang ordinaryong manggagamot ang taglay ng mumbaki dahil sa komunidad ng mga Ifugao, it ang gumaganap sa tungkulin ng isang manggagamot at pari. Naniniwala ang mga Ifugao na hindi lamang pisikal na karamdaman ang binbigyanglunas ng isang mumbaki kundi kaya din nitong tugunan ang ispiritwal na pangangailangan ng mga tao.

Malaki ang pagpapahalaga ng mga Ifugao sa kanilang mga mumbaki dahil sa pamamagitan ng mga ito, nagkakaroon ng komunikasyon ang mga katutubo sa kanilang mga ninuno at mga diyos na kung tawagin nila ay "baki". Ang mga mumbaki ang nagiging daan ng mga tao upang makausap ang kaninang mga ninuno at upang maipahatid ang kanilang mga kahilingan sa kanilang mga baki.

Upang makausap ang ma baki or ang mga yumaong Ifugao, nagsasagawa ng ritwal ang mga katutubo sa komunidad. Pinaiinom ng alak (rice wine) ba kung tawagin nila ay "bayah" ang isang mumbaki. Ang alak at mga hayop--maaaring manok o baboy--and siyang iniaalay ng mga katutubo sa kanilang baki bilang pasasalamat sa masaganang ani o sa maganda at matiwasay na panahon. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng pinakamasarap na "bayah", pinakamasaganang aning palay, at malulusog na alagang hayop, umaasa ang mga Ifugao na mahihikayat at mapapapayag nilang makipag-usap ang mga baki sa kanila. Kapag nag-iba na ang boses ng mumbaki, ibiga sabihin ay sumanib na sa katawan nito ang baki o ang katuhan ng yumao na nasi tawagin ng mga katutubo.

Hindi lahat ng mga katutubo sa Ifugao ay maaaring maging mumbaki. Naniniwala ang mga Ifugao na ang mga baki ang pumipili kung sino ang maaaring maging mumbaki.

Sa pelikulang "Mumbaki" (1999), maraming napipakitang mga isyung panlipunan na kinakaharap ng ating bansa. Sa unang bahagi ng pelikula, ipinakita ang kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan na nagtatalumpati tungkol sa isyu ng pag-alis ng mga doktor sa Pilipinas upang mangibang-bayan. Dito ay hinikayat ang kalihim na manatili na lamang sa bansa ang mga manggagamot dahil mas kailangan an mga tulad nito dito. Hinikayat din niya ang mga doktor na magboluntaryo na lamang para sa isinusulong na programang "doctor to the barrios" o ang pagpapadala ng mga doktor sa mga malalayong baryo sa Pilipinas upang doon manggamot.

Matagal nang kinakaharap ng bansa ang isyu ng brain drain. Maraming Pilipino na bagong tapos sa kani-kanilang propesyon ang mas pinipili na makipagsapalaran sa ibang bansa dahil sa mas maraming magagandang oportunidad doon tulad ng mas maayos na trabaho na may karampatang disenteng sahod. Konektado ito sa isyu ng kakulangan ng trabaho sa Pilipinas kaya talamak ang pag-alis ng mga Pilipino at makikipagsapalaran sa ibang bansa. Konektado rin ito sa isyu ng ilegal na pagpapadala or pag-re-recruit ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa tulad ng Iraq upang magtrabaho.

Karaniwan na ring problema ang transportasyon at komunikasyon sa ilang mga probinsya sa bansa. Nang pumunta si Joseph Dumalilon (Raymart Santiago) sa Ifugao, naipakita sa pelikula ang matinding problema sa transportasyon sa lugar na ito. Sa isa sa mga eksena sa pelikula, makikitang nakasakay si Joseph kasama ang kasintahan nitong si Nancy (Rachelle Alejandro) sa taas ng dyip (topload) papunta sa kanilang bayan. Karaniwan na itong tanawin sa mga malalayong lugar kung saan madalas ay iilan lamang ang byahe ng mga pampublikong sasakyan kaya pinupuno ito upang masulit ang byahe. Ang pataas na daan ay bako-bako at dahil bulubundukin ang lugar, matarik ang tinatahak na kalsada na sadyang delikado lalo na tuwing umuulan at nagiging madulas ang daan. Dahil sa ganitong uri ng daan sa Ifugao, hindi lahat ng uri ng sasakyan ay kayang umakyat dito.

Ang sulinarin sa transportasyon ay madalas kaakibat ng problema sa komunikasyon. Mabagal ang sistema ng komunikasyon sa ilang mga bayan sa Ifugao dahil hindi maayos ang mga daan. Isang halibawa nito ay ang mabagal na pagproseso sa in-order na gamot ni Doctor Lorenzo (Joel Torre) sa Maynila. Marami nang namatay dahil sa kumakalat na epidemiya sa ilang bayan sa Ifugao dahil sa pagka-antala ng mga gamot.

Kung iisipin, ang problema sa transportasyon at komunikason ay napakasimple kung ibabase sa kung gaano na kalayo ang narating ng makabagong teknolohiya. Ngunit ang totoo, hindi na gaanong nabibigyang-pansin ng gobyerno ang pagpapalawak sa transportasyon at komunikasyon sa mga lugar na malayo sa mga kalungsuran. May mga program ang pamahalaan para sa pagpapaunlad sa bawat rehiyon ng bansa, gayunpaman, ang Ifugao ay isa sa mga nagpag-iiwanan.

Sa ngayon, moderno na ang pamumuhay ng maraming Pilipino, ngunit marami pa ring mga bayan sa lalawigan ng Ifugao ang namumuhay nang tradisyunal or naaayon sa kinagisnan nilang kultura. Sa pagpapanitili nilang isabuhay ang kanilang kultura, may mga pagkakataong tinatanggihan ng mga katutubo ang mga kalinangan mula sa labas ng kanilang komunidad dahil hindi ito naaayon sa kanilang mga katutubong paniniwala. Sa ganitong paraan, napapanatili nila ang kanilang mayamang kultura, ngunit mayroon ding mga pagkakataon na hindi nakakabuti ang istriktong pagsunod nila sa mga nakaugalian na at pagiging sarado sa mga bagong kalinangan. Isang halimwaba nito ay ang tagpo sa pelikula kung saan pumunta ang pulisya sa baryo ng Lidum upang imbestigahan ang pagkamatay ng ama ni Joseph na si Dangonay. Hindi ipinagbigay-alam ng tiyuhin ni Joseph sa mga pulis ang tunay na nangyari sa pagpaslang sa kapatid nito at tumanggi siyang humingi ng tulong mula sa pulisya dahil ang mga Ifugao ay may sariling pamamaraan ng pagkamit ng hustisya. Ito ay ang "bales" o paghihigati, ang konsepto ng hustisya na mata sa mata, ngipin sa ngipin. Kung ano ang inutang ay siya ring kabayaran. 

Popular Posts