Sa Terminal

ninanamnam, sinusulit
bawat simoy ng hanging malamig
walang inaaksayang sandali
lumilingon sa bawat sulok ng paligid
kung san naiwan
mga alaalang matamis
mga pangyayaring mapait
mamaya lang
lilisan na
para harapin ang isa pang mukha
ng mundo na
sa aki'y naghihintay na
paalam
ako'y uuwi muna
doon sa isa ko pang tahanan
dala-dala ang mga natutunan
sana nga
ngayon
mas matatag na

Popular Posts