Oras

ang oras ay parang hangin
parang hangin na dumampi lamang sa aking pisngi
at ayun, nawala nang di ko man lamang nakikita
gusto kong habulin pero di ko magawa
ang bilis lumipas ng oras
hindi ko namamalayan
napag-iiwanan na pala ako
naidlip lamang ako ngunit paggising ko
tila iba na ang mundo
hindi ko na kilala ang mga tao
nagbabago ang panahon
tumatakbo ang oras
mabilis
pero hahabulin ko ito
hindi ako magpapatalo
tatakbo rin ako
nang mabilis
na mabilis
hanggang sa makasabay ako
sa agos ng panahon
sa agos ng buhay

Popular Posts