Hamog
Mahamog
Ang buong kapaligiran ay nilamon ng makapal na usok
Na may kasamang halumigmig
Nanunuot sa kaibuturan ng kaluluwa
Mahamog
Mapusyaw ang mga ilaw sa labas mula sa kanyang bintana
Tumingala siya sa kalangitan
Tila naghahanap ng kaunting pag-asa
Ngunit pinagdamot ng ulap ang mga tala
At ang buwan ay wala sa dati nitong kinalalagyan
Upang magbigay ng kahit kaunting liwanag
Unti-unting pinatay ng hamog ang natitirang init sa kanyang damdamin
Ang natitirang pag-asa
Mahamog
Malamig
Masarap magpakanlong sa nag-aanyayang kumot
Ngunit may isang kaluluwang hindi mahimbing
Patuloy na naghihintay
Pilit na nilalabanan ang lamig na dulot ng hamog
Na pumapatay sa natitirang apoy ng pag-asa sa kanyang damdamin