17

sa pagitan ng

hitit.

buga.

lagok.

mabaho.

nakakahilo.

masakit sa ulo.

tawanan. katahimikan. iyakan. seryosong usapan.

hitit.     buga.     lagok.

hilo na.

higa. hindi, kaya pa.

inom. kaya pa ba?

hindi na.

suka.

pahinga. o kape muna.

ayos na.

hitit. buga.

may sikreto. may pagtatapat.

katahimikan.

sa inuman.

madalas.

lumalabas

ang tunay na katauhan.

sa pagitan ng mga hitit at buga

ng yosing nakakasunog baga

ng paglagok ng chaser at empoy

ng tawanan at iyakan

ng katahimikan at seryosong usapan

ng pagsusuka at pagpupumilit na kaya pa

nakahanap ng mga tunay na kaibigan.

Popular Posts