Gagambino

Sa wakas, nakapasok na rin ako sa *BB.

Isa sa mga gabing umiral ang pagka-impulsive kasama ang ilang kaibigan. Nagkayayaan pumunta sa gay bar para aliwin ang jowa ng housemate na na-singko sa major subject.

Isang text lang sa isang friend na alone at walang magawa sa boarding house at isang tawag lang kay drinking/beach buddy, idagdag pa ang isa ring lasenggang housemate, kumpleto na ang tropa.

Ang totoo di rin kami sigurado kung saan pupunta nung nakasakay na ng taxi. Nagsabi lang kami ng lugar sa taxi driver para umandar na ito. Habang nasa taxi, nag-uusap pa silang mga nasa likod tungkol sa kung ano mang mga kamunduhan na naimbento. Nahiya naman daw ako sa drayber. Tapos, nagkakahiyaan na nung malapit na sa BB. Hindi masabi sa drayber kung saan talaga bababa. Eh, di ako rin pala ang magkalalakas-loob na magsabi, Manong, sa Gagamba po. Pagbaba ng taxi, nag-usap-usap muna sa harap ng Baguio Memorial Chapel. Parang naniniguro muna kung talagang desidido ba sa gagawing 'krimen.' At siyempre, dahil lahat ay first timer daw, medyo nahihiya pa ang lahat sa mga tao sa paligid.

May nagtawag na pumasok sa isang bar na tinatawag na Las Vegas 69. Since wala namang entrance fee, sumilip kami sa loob, kami lang ang tao at mukhang naghahanda pa lang ang mga dancers whatever. Pero dahil hindi namin nagustuhan ang lugar, lumabas din agad at lumipat sa original na pupuntahan.

Pasok kayo! Walang entrance (fee)! Makikita niyo diyan si Gagambino! Anyaya sa amin ng mga tao sa labas Gagamba. Pumasok naman kami sa dungeon. Walang customer sa loob. Umupo kami sa pinakaharap, yung sofa na nasa harap mismo ng stage.

Hindi pa umiinit ang pwet sa pagkakaupo ay may umentra na sa stage at gumigiling-giling. At dahil wala na kaming kawalaa, umorder na kami ng inumin. Ginto ang inumin sa loob. Kaya pala walang entrance fee. Eh, kami namang mga urban poor pare-pareho, inunti-unti na lang ang pag-inom para marami pa rin mapanood. Dahil sa mga lugar na ganto, the longer you stay and the more you order, the more you see.

Pero habang nanonood ewan ko, hindi kasiyahan kundi lungkot ang nanaig sa akin. Nakaramdam ako ng awa sa mga lalaking sumasayaw sa harap namin. Naawa ako sa kanila dahil sa kanilang trabaho.

Bakit ganun? Pwede naman sila maghanap ng ibang trabaho. Nag-eenjoy din kaya sila sa ginagawa nila? Siguro. Kasi ginagawa nila eh. Baka hindi. Wala lang silang choice dahil wala na silang ibang alam na trabaho. Malamang hindi. Sino ba naman ang gustong aliwin ang mga tao sa pamamagitan ng paggiling-giling at pagsayaw-sayaw sa buong magdamag. Sino ang gustong magpakita ng laman para lang kumita?


Pinakilala sa amin si Carlo, 19 lang daw siya, ayon sa kanya. Mas bata pa siya sa amin pero sa totoo lang hindi siya mukhang 19 kundi mas bata pa. Hindi na daw siya nag-aaral.

Nakakaawa siyang tingnan sa laki ng eyebags niya. Hindi natago ng makapal na foundation niya. Halatang puyat ng kung ilang gabi na.

Dahil pare-pareho naman kaming hindi na nag-eenjoy, umalis din kami agad pagkatapos pa lang one round. Dumating at umalis kami'y wala nang ibang customers na pumasok. Napaaga pala kami.

Pero pagkalabas namin, pinag-usapan ang tungkol sa mga male entertainers. Pare-pareho pala kami ng iniisip. Kung sulit ba yung bayad namin. Ang tototo na-fail ang lahat ng expectations namin. Kung anuman yung mga nakita namin, hidi yun ang ineexpect namin. Lahat kami aminado na kahit super mahal yung binayaran sa drinks tapos kulang ang entertainment kumabaga eh kulang pa rin yun pambayad sa mga entertainers.

Nagpunta kami sa ibang bar. Yung wholesome na. Yung walang gumigiling. Pero hindi na nawala sa usapan ang mga gagambino.

Kung hindi naimbento ang gay bar, eh di sana wala kaming napagkatuwaang puntahan that. Kung hindi naimbento ang gay bar eh di sana hindi kami naentertain nang gabing iyon. Kung walang gay bar, di sana wala kaming one-of-a-kind experience na maituturing.

*BB- Bahay-bastos, in this particular entry, referring to gay bar.

Popular Posts