Sa Pagitan ng Buntung-Hininga

Ewan ko rin kung bakit. Di na naman ako makatulog. Nalulungkot ako. Di ko rin sigurado kung bakit.

Siguro dahil malapit ko nang iwan ang Baguio. Habang ginagawa ko ang huling requirement na kailangan kong ipasa para sa semestreng ito -huling semestre ko- sari-saring bagay ang naglalaro sa isip ko. Na siyang nagpapabigat ng aking pakiramdam.

Iiwan ko na nga ang Baguio. Ang nagbigay sa akin ng tahanan sa halos apat na taon na paghahanap ng dunong.

Ito na siguro yung madalas sabihin ng mga nakatatanda na sulitin ang bawat sandali bilang estudyante dahil pag wala ka na dito, hahanap-hanapin mo rin ito at pagsisisihan ang bawat pagkakataon na tumanggi sa mga gimik, inuman at gala.

Nakakalungkot ngang isipin na iiwan mo na ang lugar na nagbigay sa iyo ng isanglibo't isang alaala, ng mga tunay na kaibigan na nakasama sa bawat lungkot at saya at ng samu't saring problema at sakit sa ulo.

Mahirap maging estudyante. Sobra. Mas mahirap pa sa inaakala nila. Pero kung hindi dahil sa mga pahirap na to, hindi ko dala-dala ngayon ang mga natutunan ko.

Hindi lang din naman puro hirap ang pag-aaral. Masarap mag-aral. Masarap matuto. Pero ang pag-aaral ay hindi lang dapat nalilimita sa apat na sulok ng klasrum. Masarap lumabas. Sa labas kasi andaming bagay na nag-aantay lang ng pansin ng mga tao. Kadalasan, sa labas talaga tayo natututo ng mga bagay na makakatulong at magagamit natin sa praktikal na buhay.

Masarap tumira sa Baguio. Sobra. Ewan ko ba, in love na in love ako sa lugar na to. Ang sakit lang sa damdamin na sooner ay kelangan ko nang umalis dito. Pano nga kasi kung hindi ko dito makita ang katuparan ng mga pangarap ko.

Hay. Ewan. Ang drama ko lang.

Popular Posts