Ang Yosi at Ulan

Gusto kong magyosi sa ilalim ng ulan
Humithit kasabay ng halumigmig
Bumuga kasabay ng pagluha ng langit

Gusto kong magyosi sa ulan
Nais kong malaman kung paano maglaro ang usok
Sa mumunting tubig na bumubulusok

Gusto kong magyosi sa ulan
Papanoorin kung paano daigin ng tubig
Ang kulay pulang baga
Ng nasusunog na nikotina

Nakikinita ko ang tila matamis na ganti
Na igagawad ng ulan
Kung sakaling may bagang susubok
Hindi kailanman mananalo ang munting baga
Sa mas makapangyarihan ulan

Kung maaari lamang sana'y
Gusto kong magyosi sa ulan

*Session Road. Na-trap ako sa isang malakas na ulan kaya nagkulong sa isang internet shop. Sa sobrang lamig gustong-gusto kong mag-yosi pero wala akong magawa dahil wala akong payong palabas.

Popular Posts