Sari-Saring Sagot sa Sari-Saring Tanong

Labinlimang araw na lamang at tuluyan ko nang iiwan ang malamig na lugar na ito.

Ilan lang sa mga sari-saring sagot sa sari-saring tanong at vice-versa na umookupa sa akin sa ngayon.

Dalawang linggong tambay.
Dalawang linggo pa ulit na pagtambay.
Before I finally kiss Baguio goodbye.

Musta ang paghahanap ng kapalaran? -Rush
Eto, naghahanap pa rin.

Makakahanap ka rin dito at pag may nahanap ka na may libre na! -Bangs
Kelan kaya? Gusto ko na kasi kayong ilibre eh. :)

Andiyan lang yun, di mo lang mahanap. -Dona
Yun nga eh, ayaw magpahanap kaya hahayaan ko na.

Ikaw ang nagpapahirap sa sarili mo. Bakit kelangang i-pressure ang sarili? -Karen
Sa ngayon kelangan na talaga. Walang mangyayari sa akin kugn walang pressure.

Pahinga muna tayo, 3 months, makakatulong daw yun. -Sen
Three months akong tatambay? Pano ko bubuhayin ang sarili ko?

Hay isa na namang tagpo sa kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ko sa mundo ng pagiging tambay. Nakakalungkot isipin pero mukhang wala talaga dito. Mukhang wala talaga sa Baguio ang kapalaran ko.

Popular Posts