Tambayan

Warning:

Wag pupunta sa tambayan kung marami ka pang gagawin. Baka di mo na yun magawa.

Wag dadaan sa tambayan before ng class. Siguradong male-late ka. Baka nga mapagdesisyunan mo pang umabsent na lang sa klase.

At lalong wag tatambay sa hapon. Madalas may gimik sa gabi. Kawawa ka naman. Wala kang choice kundi sumama. Dahil pag ayaw mong sumama, masama na nga ang tingin sayo ng lahat, siguradong subject to gossip ka.


Friendly tips:

Tumambay tuwing lunch time dahil siguradong maraming tao. Baka may manlibre pa ng lunch.

Tumambay tuwing alas tres. Madali lang mambully ng mga bunso para magpameryenda.

Tumambay tuwing nakatambay ang mga amuyong. 99% may mangyayari, lalo na pag kumpleto sila.

Tumambay kapag may dumalaw na alumni. Bongga sila magpakain at magpainom.

Tumambay tuwing may visiting. Malay mo may cute na taga-ibang chapter.

Masarap naman tumambay. Lalo na pag masaya lang lahat.

Inuman. Chismisan. Tuksuhan. Masarap talaga sa tambayan.

Popular Posts