Three Little Boys

Biglaan ang lahat.

Civil wedding. My own wedding. Nagmadali akong nagbihis. White skirt at white polo blouse, gusot-gusot pa ang suot ko. Siguro galing pa sa wagwagan. Andun silang lahat; mga magulang ng papakasalan ko na mukhang alta at mga magulang ko na minamadali ako.

Walang bridal march. Pagdating sa place, hindi ko rin alam kung saan yung lugar. Naaalala ko lang red-brown ang kulay ng wall at white yung kurtina sa glass window.

Kinuha ko agad ang kandila at dali-daling pinuntahan ang groom (I can't remember his name) Aba, naka-coat and tie siya samantalang ako mukhang basura.

Natapos ang minadaling kasal. Nalaman ko later na may nabuntis si husband na iba pero ako ang pinakasalan. (Bongga!)

Pero yung anak sa labas, lalake, sa amin nakatira. Siya yung panganay kasi meron kaming dalawang anak na lalake. Yep. I have three cute little boys. Pero hindi sila close sakin. di nga nila ako kinakausap eh. Yung tatay nila ang madalas nag-aalaga sa kanila.

Marami pa akong naaalalang eksena pero putol-putol. Hindi ko ma-connect.

Hindi ito ang unang beses na napanaginipan ko na may anak ako. Sabi ko nga bangungot. May dreamcatcher pa man din sa room.

Popular Posts