Fail Day

Paggising ko pa lang, alam ko may mali na sa araw ko.

Ginising ako ng regular na orasyon mula sa simbahan sa kabilang kanto. Pagtingin ko sa telepono sa tabi ko, wala pang alas sais. Aba, napaaga ata ang dasal ngayon. Ang oras kasi sa cellphone ko ay naka-synchronize sa oras ng PC ko sa opisina. At usually, 6:58 pineplay ang recorded na dasal.

Tinamad ako bumangon, kaya natulog pa ako ng 30 minutos. Nag-agahan, naligo, nagbihis, nang mabilisan at 7:29 paalis na ng bahay. Ganito ang buhay ko nang mga nakaraang araw. Katulad sa recorded na orasyon, paulit ulit, araw-araw. Nagkakaiba lang sa oras, minsan maaga, minsan late.

Ang 7:30 ideal na yun sakin, di ako matatrapik papunta sa trabaho. Pero nung araw na yun, unang sakay pa lang, usad-pagong na. Sa pangalawang sakay, nararamdaman ko na ang init, sa tagal ng usad. Nagtaka ako kung bakit biglang napaaga ata ang labas ng mga sasakyan kaya maaga pa lang ay bumper to bumper na sa mga kalye.

Pagdating sa opisina. Uy, araw pala ng sweldo, ng delayed na sweldo. Agad-agad nagcheck ng balance. Ayun! Sabi na nga ba may sasablay sa araw ko eh. Ang inaasahan kong digits na makikita sa account ko ay hindi ang actual na nasa screen. Pumalya ang bonus. Ibig sabihin nun, damay ang mga plano.

Nagsimula akong magtrabaho. Ayaw. Di ako pinagbibigyan.

Alam ko. Fail na naman ang araw ko. At alam ko tuloy-tuloy na naman to. Ano pa nga ba ang magagawa ko. Eh di kontrahin na lang ang mga kamalasan pang parating. Ang ultimate panlaban? Dedma. Dedmahin ang mga nagpapastress at maging masaya na lamang. Mahal ka talaga ni Lord. Binibigyan ka na naman ng pagsubok sa buhay. :D

Popular Posts