Saan Napunta ang Isandaan?

Ang lakad na hindi pinagpaplanuhan nang maaga, madalas natutuloy. At ang masaklap pa nito, tuwing wala kang pera.

Wala naman talaga akong balak lumabas. Umalis ako nang bahay na nakabeach outfit- polo shirt na may beach print, denim pants, flops at malaking bag kung saan nakalagay ang kumot na isasauli ko kina Karen.

Habang nag-iinternet ay nag-aya si Melvin na magSM North, ang official meeting place ng batch. Pero dahil mag-isa lang siyang malapit dun at tatlo (with Lian) kaming mas malapit sa Robinsons Manila, napilitan siyang pumunta dito.

Lumabas ako nang bahay na isandaang piso lang ang dala at ATM card for emergency use. Bale bumili pa ako ng sorbetes (10), nagpaload (25) at namasahe (7).

Nagkataong ang mga kasama ko ay poor mode din, except Melvin, kaya sa food court ang bagsak namin at nagbigay si Melvin ng pambili ng food. Ako ang nagboluntaryong umorder para aming lahat. Na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil biglang nagkaron ng komosyon. Ayaw ibigay ang lahat ng order namin dahil kulang daw ang binigay kong pera.

Kung hindi ako siguradong 240 yung binigay ko sa cashier, hahayaan ko na lang sana nung sinabi niyang hindi 140 ang binigay ko. Eh kaso siguradong-sigurado akong 240 yun, binilang ko pa bago ko inabot- dalawang malutong na 100 at dalawang bente- plus nasa tabi ko lang si Melvin habang nagbibigay ng order.Ewan ko kung pano nangyari pero sigurado akong walang nalaglag, at inabot sa kanya nang buong-buo ang pera, marami kasing bumibili kaya siguro nahilo na ang cashier. Sorry na lang hindi ko yun mapapalampas dahil nagsasabi ako nang totoo. Nakipag-argue ako to the point na pinakita ang sampung pisong laman ng coin purse (yung natira sa 100 ko kanina at dinagdag ko sa 240). Cheap pero yun ang sa tingin ko'y tamang gawin dahil ayokong lumabas na nagsisinungaling ako para lamang makakuha ng libreng pagkain. Kalmado lang si Melvin pero ayokong isuko ang pinaninindigan ko. Dumating ang manager at ang resolution, ibigay ang lahat ng order namin at sinabi sa nayayamot na cashier na babayaran niya na lang ang kulang sa benta after mag-audit.

Sabi nga rin ni Karen dahil nagwork siya dati sa Jollibee. Tuwing nagkukulang ang benta, binabayaran ito ng cashier. Hindi ako nakonsensya dahil hindi naman ako guilty. Masama na kung masama.

Pareho kaming may mali, natangahan ang parteng iyon dahil inabot ko ang pera habang kinakausap pa niya yung customer na nauna sakin, at habang kinukuha ang order ko ay hindi ko nireiterate na 240 yung binigay ko kaya marami akong inorder na hindi niya na-punch dahil 140 lang daw ang binigay ko, kaya pala kulang yung order pagkabigay samin. On the other hand, ang mali niya'y hindi binilang sa harap ko ang pera, pagkatanggap, ay lagay agad sa kaha at saka kinuha ang order ko na ang nasa isip niya ay mahigit sandaan lang ang binigay ko.

Dapat daw hinayaan ko na lang tutal pareho naman kaming mali pero mas malaki naman ang sinasahod ko. Oh well, hindi iyon usapan ang sahod. Ipaglalaban ko kung ano yung tama dahil sigurado naman ako dun. Kung mahirap yung trabaho niya, hindi rin naman pinupulot ang isandaan sa trabaho ko. Pinaghihirapan ko rin ang bawat sentimong tinatanggap ko buwan-buwan.

Siguro kung nagkataon na mayaman ako, palalampasin ko na lang yun, kaso pareho lang kaming nasa baba ng social triangle.

Sana lang may natutunan siya dahil ako meron. Sa susunod, antayin na sabihin ng cashier ang mahiwagang “Ma'am I received ----- pesos.”

Hindi na muna siguro ako kakain dun.

Popular Posts