Jogging sa Roxas Boulevard

Tamad ako sa maraming bagay. Kaya sinamantala ko ang bawat pagkakataon na sinisipag ako para gawin ang mga dapat gawin at tapusin ang mga dapat tapusin.

Lately gusto kong magbawas ng timbang, paliitin ang braso at mukha. Dahil di ko afford mag-enroll sa gym, I'll go for the cheaper way- jogging.

Sa Roxas Boulevard ang pinakamaayos na place at pinakamalapit samin para tumakbo sa gabi pagkagaling sa trabaho. Marami rin kasing tumatakbo doon.

Mabaho sa side ng Manila Bay at mausok naman sa kabilang side, pero mapagtiyatiyagaan na. Nakapagbawas nga ng calories pero napuno ng masamang hangin ang lungs. Sabi ko nga dapat nakamask pag nagjo-jog pero magmumukha rin akong OA nun.

Kahapon pagdaan ko sa tapat ng pedestrian crossing sa may Aristocrat, andaming tao, lumingon ako sa direksyon kung san sila nakatingin at napansin na may mga kamera. May shooting. Indie film siguro kasi wala naman akong napansin na van ng mga kilalalang networks o film producers na naka-park malapit dito.

Kahit hindi kanais-nais ang amoy dito, madalas pa ring ginagawang setting ang Roxas Boulevard ng mga palabas sa telebisyon. Sabagay, di naman kasi naamoy sa TV, ang mahalaga yung visual.

Pabalik na ako at tumatawid sa parehong pedestrian crossing nang mapansin ko na nakatingin sa akin ang kumpol ng mga tao sa gilid ng daan. Saka ko lang napansin na may kamera. “Wait lang, rumarampa pa siya,” hirit ng isang nanoood ng shoot sabay tawanan sila ng mga kasama niya. Ewan kung ako ba yung pinaringgan niya. Di ko naman kasi alam no.

Nakiusyoso ako at tumigin sa mga may hawak ng kamera, si Jason Abalos, na napagkamalan kong si JC De Vera. Di naman sila magkamukha, JC kasi ang unang pumasok sa isip ko.

Aba, kung parating may shoot sa Roxas Boulevard, dadalasan ko na pagtakbo. :D

Popular Posts