Nakilala Kita Isang Gabi sa Malate

Una kitang nasilayan nang ako'y papunta ng Malate, sabado ng gabi. Pagkaupong-pagkaupo ko pa lamang sa dyip ay ikaw na agad ang napansin. Ang cute naman nitong nasa tapat ko. Buong biyahe nakatitig lang ako sa'yo pero ni minsan hindi mo ako napansin dahil nakatingin ka lang sa harapan ng dyip, tila may malalim na iniisip.

Sabay din tayong bumaba sa Remedios pero mabilis ka maglakad, parang nagmamadali kaya ilang minuto lang ang layo mo na. Ako naman si stalker, binilisan ang lakad para di ka mawala sa paningin. Mukhang magba-bar din to ah. Tall, tisoy and handsome and yummy! Tonight will be my night!

Nakpil. Bigla kang tumigil sa harap ng isang bar na punong-puno ng tao sa labas. Sumilip-silip sa loob, inilabas ang telepono at may kinausap. Maya-maya'y may lumabas na babaeng tipid na tipid sa tela ang suot, ngumiti at humalik sa'yong pisngi. Pumasok kayo sa loob. Ay, may girlfriend! May mga straight pa rin palang tumatambay sa Nakpil. Kala ko pa naman mapapasakin ka na. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta naman sa kalapit na bar kung saan kami magkikita ng mga kaibigan ko.

Alak dito. Yosi diyan. Sayaw. Alak pa! Sa mga call center agents tulad ko at ng mga kasama ko, pantanggal stress talaga ang bisyo. At dahil baligtad na ang mundo namin, madalas gumigimik kami pag maliwanag na, pagkagaling sa trabaho, kung kailan pauwi naman ang mga taong magdamag naglango sa mga bahay-inuman. Pero pag gantong walang pasok, sinasamantala ko na ang gumimik nang gabi. Iba pa rin kasi pag gabi, mas masaya, mas maraming pwedeng mangyari sa dilim. Kung anuman yung iniisip mo sa "pwedeng mangyari", yun na yun.

Lampas-hatinggabi na nang naisipan naming lumipat sa ibang bar. Dinala kami ng mga paa namin sa bar na pinasukan mo kanina. Di na ako umaasang makikita pa kita dun. Ilang oras na rin kasi ang lumipas. Pero iba ang ginawa ng mga mata kong agad ginalugad ang mausok at madilim na paligid para hanapin ka. Nabigo akong makita ka. Sa pagkadismaya, lumabas ako't nagsindi ng sigarilyo, kahit pa pwede namang magyosi sa loob.

"Excuse me, pwedeng pasindi?" Isang baritonong boses na nagmula sa likuran. Lumingon ako at nagitla. Gustong sumilay ng maluwang na ngiti mula sa aking mga labi pagkakita kung sino ang nagtatanong. "Pasindi, okey lang?", ulit nito. "Ah, uhm, eto oh." Pa-demure na sagot ko sabay abot ng yosing hawak ko. Ang landi mo atez! Pwede naman ipahiram mo yung lighter, eh! Iba ang ligayang hatid sa akin ng sandaling pagkakadikit ng ating mga kamay.

Habang sinisindihan mo ang yosi sa bibig, nakatitig lang ako sa'yo at hinihiling na wag ka munang matapos sa ginagawa. Ang gwapo mo talaga! "Pare oh, salamat." Hayan! Nahuli tuloy akong nakatingin! Tango lang ang tugon ko at agad tumingin sa ibang direksyon pagkakuha ng yosi.

Isa, dalawang minuto, wala nang nagsalita habang inuubos ang kanya-kanyang cancer stick. Gusto kong mag-open ng topic para makausap kita pero tila naumid ang aking dila. Ate, asan na ang kadaldalan mo? Nakuntento na lamang ako sa thought na kasama kita habang nagcacancer break. Besides, may jowa ka sa loob at babae. Pero, pero, pero, naramdaman kong may pag-asa ako dahil kahit sa iba ako nakatingin, alam ko, bago ka tumalikod at bumalik sa loob ay tumingin ka sa akin, take note, medyo matagal din yun. Gustong kong tumalon sa saya! Kala ko pa naman makikisindi ka ulit pagkaubos ng yosi mo. Yun pala, tititigan mo lang ako. Hanuber! Haba ng hair ko.

Pagkatapos ng isa pang istik ay pumasok na rin ako sa loob. Habang iniisip ang evil plan kung pano ka mapapasakin ngayong gabi. Muli, hinanap ko kung saan kayo nakapwesto. Wala talaga. Malamang nasa ikalawang palapag kayo. Walang anu-ano'y tumayo ako at nakipagsiksikan sa mga tao sa dance floor para makapunta sa taas. Hindi na ako pinansin ng mga kasama ko na iniisip marahil ay sasayaw lang ako.

Pagdating sa taas, tila nagwawala ang mga tao sa dance floor. Ooh, wild. Parang hindi lang alak at yosi ang tinira ng mga to ah! Nakipagsiksikan ako sa mga tao hanggang mapunta sa gitna ng dance floor. Nakisayaw kung kani-kanino habang ang malikot na mata ay hinahagilap ka. Hindi pa rin kita makita dahil sa dami ng tao at nakakahilong malilikot na ilaw. Nang biglang may yumapos sa akin mula sa likod. Lalake, halos sintangkad ko. Napakabading talaga ng aura ko kahit pa magpakalalake ako. Hayan oh, sila na ang kusang lumalapit.

Gusto kong umikot paharap pero halos di ako makagalaw sa pagkakayapos niya sa akin. I love this! Makikisakay na muna ako sa gusto niyang mangyari. At ganun nga nagpatuloy ako sa pagsasayaw. Sumabay sa bawat kilos at galaw niya. Kung sino ka man, ikaw na nga ang inaantay kong kukumpleto ng gabi ko.

Sa pagkakadikit ng mga katawan namin, ramdam ko ang mainit niyang hininga sa batok ko. Ang naghalo-halong amoy ng pawis, yosi, alak at pabango niya'y tila lason na unti-unti akong nilalango. Umikot ako para makita kung sino siya. Ang tumambad sa akin ay ikaw na may mapaglarong ngiti. Kinabig kita palapit sakin at siniil ng halik. Hindi ka tumanggi.

Ilang saglit pa ika'y bumitaw. Hinila ako papunta sa banyo. Pang-isahan lang ang ang CR pero hinila mo ako papasok sa loob at doon pinalaya ang nagpupumiglas na damdamin. Hinalikan mo ako. Bumaba ang iyong dila sa aking leeg at hinila ang isa kong kamay, idinampi sa iyong sawa na nais nang kumawala.

Sa kabila ng matinding libog na nararamdaman ko, nakuha ko pang bumalik sa tunay na mundo. "Huwag dito. Sa ibang lugar tayo." Nag usap ang ating mga mata. Habang isinasara mo ang zipper at butones ng pantlon ay lumabas na ako. Makalipas ang ilang segundo'y sumunod ka na rin palabas, iniwang nagtataka ang isang lalakeng naghihintay sa labas ng CR.

Dali-dali akong nagpaalam sa mga kasama ko na malamang ay alam na kung saan ako papunta. Sanay na sa mga aktibidad ko. Paglabas ko'y nakasakay ka na sa likod ng naghihintay na taxi.

Sa pinakamalapit na hotel natin itinuloy ang naudlot na pag-uulayaw. Tuluyang pinakawalan ang pagnanasang kanina pa pinipigilan.

Bago pa tuluyang sumikat ang araw ay tinatahak na natin ang kani-kaniyang daan pauwi. Ayaw sana kitang iwan. Gusto ko pa maulit ang nangyari. Pero mukhang sex lang talaga ng habol mo. Ni hindi nga tayo nagpalitan ng numero. Aldrin. Yun lang ang nalaman ko tungkol sa'yo. Hindi nga ako sigurado kung yung ang totoong pangalan mo. Ni hindi ko man lang natanong kung taga-saan ka, o kung anong ginagawa mo sa buhay.

Hindi na rin naman bago sa akin yun. Casual sex. One night stand. Makapagparaos lang. Hindi na yun unsual sa panahon ngayon. Liberated na ang mga tao.

Ang unusual lang ay kung bakit hirap kitang iwaglit sa aking isip mula nang gabing iyon. Tambayan ko ang Malate pero di na kita nakita ulit doon. Ang tanga ko lang talaga, mainlove ba sa isang taong isang beses ko lang nakita.

Ang unusual pa ay ang mga sakit na dumapo sakin pagkatapos ng halos isang taon. Parang bombang sumabog sa akin ang balita. Positibo ako sa HIV. Oo AIDS. Ang sakit na pinandidirihan ng lahat. Nagunaw ang mundo ko, ang mga pangarap ko. Ang masaklap pa, sa dami ng mga nakatalik ko, ni hindi ko alam kung kanino ako nahawa. Pwedeng ikaw, pero hindi ko na nakuhang magalit sa kung sino man ang nanghawa sa akin, sa dami ng mga nakatalik ko, short time na relasyon, one night stand, casual sex.

Hindi ako nag-ingat. Madalas sa mga sex escapades ko, di man lang ako gumamit ng condom o nirerequire na gumamit ng condom. Di ko man lang iniinspeksyon kung posibleng may sintomas ng STD ang partner ko. Alam ko naman yun eh. Edukado ako. At bakla ako kaya malamang inalam ko ang mga pisikal na sintomas ng STD. Pero parati lang kasi nagpapadala sa tawag sa libog, sa tawag ng laman.

Nung kaya ko pa, madalas pa rin ako tumambay sa Malate. Pero din tulad ng dati, wala ng alak, yosi at sex. Boring pero sinusulit ko na lang ang nalalabing mga araw. Malaking parte ng buhay ko ang Malate. At isa pa, hanggang sa huli, nagbakasakali akong makikita kitang muli. Sa Malate.

Popular Posts