Speed Over Accuracy

Lumindol sa Metro Manila pasado ala una y media ng hapon.

Nang mga oras na yon ay wala akong Internet at sa pagkainip, naisip kong umidlip muna. Nakasubsob ang mukha sa isang palad nang biglang gumalaw ang desk. Akala ko'y gumalaw lang ang katabi ko. Ilang sandali pa'y lumakas. Lindol na pala.

Kinabahan siyempre kami. 16th floor. Aba, mataas din to 'no.

Pagkahupa ng "tensyon" nagbibiruan ang mga tao. Yung iba daw kasi samin nakatype na ang ipo-post sa kani-kanilang websites tungkol sa lindol. Pagkarestart ng PC, una kong tiningnan ang Plurk. Ang mga contacts kong nasa Metro Manila ay pawang may "lindol" ang plurks. Sa Twitter at Facebook ay ganun din.

Yun ang kagandahan ng social media. Agad nagkakabalitaan nasaang parte man ng mundo. Karamihan din sa mga status messages ng mga tao ay ang mga links ng mga balita tungkol sa lindol. Sa loob lamang ng ilang segundo pagkatapos lumindol ay maraming news sites ang agad na nagpost ng tungkol sa lindol. Ito ang kagandahan ng digital technology, mabilis ang pagpapakalat ng impormasyon.

Eto ang ilan sa mga naunang lumabas sa internet:




Pagkabasa ng mga 'to mula sa plurk,  natawa ako. Tong mga sites na 'to, mauna lang sa balita kahit barubalan na. Kahit anong impormasyon pwede na basta pag nagsearch ang mga tao, unang ibibigay ng search engine ang site nila. Hindi na chicheck kung tama ba ang laman ng post nila. Siyempre nga naman gusto nating lahat na pag hinanap ang balita tungkol sa lindol ay mapupunta ang mga tao sa page natin. Pero dahil sa kakulangan ng kumpirmadong impormasyon, may mga pagkakataong nasa-sacrifice ang accuracy ng isang balita.

Popular Posts