Tuli

Mangangamatis na yan, sabi pag nakita daw ng babae, mangangamatis.

Ma, hindi totoo yun!

Aynaku Ian, mangangamatis na yan pag nakita ng babae, sabi nila.

Hindi nga.

Bahala ka dyan!

Natawa ako sa usapan ng mag-ina. Naalala ko kasi, ito mismo ang kabaligtaran ng ekesena noong nagpatuli ang kuya ko.

Noon, yung nanay namin ang naglilinis sa sugat kasi daw baka ma-infect pag hindi naingatan ng kuya. Kebs siya sa paniniwala na pag nakita ng babae ay mangangamatis daw. May point nga naman siya. Pero ewan ko lang kung anong nafi-feel ng kuya ko nun. Grade 5 na siya nun eh, tulad ng anak ni Ate Debbie, ang aking landlady.

Summer din noon, kung kelan maraming nagpapatuli dahil bakasyon nga naman. Pero ang kuya ko nun ay dun sa kapitbahay namin nagpatuli, kasabay ang ilan pang mga kababata niya. Makalumang style, kung san di ka sigurado kung safe ba. Pero awa ng Diyos, wala naman masamang nangyari sa kanila.

Yung anak ng landlady ko sa klinika pinatuli. Nagtatalo pa sila nun kung sa probinsya na lang nila siya ipapatuli pero sa huli, napagdesisyunan na dito na lang sa Maynila kasi mas okay daw ang mga klinika dahil kumpleto sa gamit. May point naman yung landlady pero natatawa lang ako dahil sa kabila ng modernisasyon, malakas pa rin ang epekto ng makalumang paniniwala.

Popular Posts