Binatog

Photo from: clarissa623.wordpress.com
 Maputi, malagkit, matamis at pinakamasarap pag mainit.

Isa sa mga pinakanamimis ko sa Baguio ang mga food trips, kasama ang tropa o kahit mag-isa, pag kakatanggap lang ng alawans o kahit pa barya na lang ang pera. Mas sasarap lalo ang food trip na kasama na ang mga kaibigan, libre pa! :P

Pag usapang pagkain, isa sa mga pinakamasarap kasama si Sen. Tulad ko, hindi siya choosy sa pagkain (maliban na lang pag di talaga pwede sa kanya). Masaya kasama sa food trip dahil hindi madaling mabusog, in short matakaw din tulad ko. Madalas siya lang ang may K na magbato ng mga linyang  "Kuya, damihan mo ng gatas ah!", "Ate, ang konti naman!", "Kuya, padagdag!" Paborito rin niya ang pagkain na gustong-gusto kong kainin sa sandaling ito. Kaya pag kami magkasama, madalas di namin nililisan ang town na di nakakakain ng binatog.

Ang Burnham Park ang lugar kung saan ako madalas magtungo kapag gusto kong kumain nito. Konting lakad lang mula UP. Dito kasi maraming nagbebenta at maraming pwedeng tambayan habang kumakain. Madalas kapag lumalabas ako sa gabi, pagkatapos mamalengke o mag-wagwag, hindi ako umuuwi nang hindi nakakakain ng binatog.

Kahit pa nung kumalat ang mga bali-balita na marumi ang pagkaing ito, dahil nga nasa kalye at minsan daw nilalagyan ng tubig galing sa Burnham Lake. Itong huli ang dahilan kung bakit di ako natinag sa pagkain nito. Sa sobrang dumi kasi ng tubig sa lawa, baka usok pa lang ng pagkaing lulutuin gamit ito ay nakakalason na. Sa tagal ko nang kumakain ng binatog, wala pa namang masamang nangyayari sa akin. :D

Nakakain na ako minsan ng binatog dito sa Maynila pero hindi ko nagustuhan. Iba pa rin talaga ang binatog sa Baguio.

Popular Posts