Grad School Talk

One lazy afternoon...

Abba: Akala ko mag-aaral ka na ulit?

I: (Tumingin muna sa nanay na blank ang facial expression) Eh wala pa naman akong naiipon. Pang-aral.

Ian: Bakit ka mag-aaral ulit?

Abba: Magma-masters para pwede na siyang magturo, para makapag-apply na siya dito.

Ian: Ano naman ima-masters niya?

Abba: Eh di Journalism o Broadcasting.. Yun naman ang natapos niya.

Mamang: Sabi pala ni Amado, luluwas daw sila ng Maynila ngayong  summer, May ata, tapos personal na kakausapin daw niya yung kumpare niya, sa Inquirer daw pala yun nagtatrabaho. Sabi daw ng kumpare niya, irerecommend ka daw niya sa ibang dyaryo, sa kaibigan din niya. Hindi niya nirerekomenda na dun ka sa Inquirer dahil hindi raw maganda benefits dun.

Ian: Ang sinabi ni Amado, mahirap daw makapasok dun kahit pa nirekomenda kasi pinipili talaga nila yung mga kukunin nila.

Mamang: Oo nga pero sabi ni Amado hindi naman nakakahiya yung irerekomenda niya dahil UP graduate ka rin naman.

Ian: Sabi niya hindi dahil may recommendation ay kukunin na nila.

I: Siyempre pumipili naman sila ng magagaling talaga.

Mamang: Oo nga pero okay rin naman daw ang educational background mo. Hindi naman daw nakakahiya dun sa pagrerekomendahan niya.




The things I wished I should've said (italized):

Abba: Akala ko mag-aaral ka na ulet?

I: Ah tinatamad pa kasi akong asikasuhin ang mga bagay-bagay para sa MA na yan.

Ian: Bakit ka mag-aaral ulit?

I: Kasi nakakatamad pala magtrabaho.

Abba: Magma-masters para pwede na siyang magturo, para makapag-apply na siya dito.

I: Magmamasters para tumaas ang level at tumaas ang sahod.Saka na ako magtuturo pag matanda na ako no at gusto ko na ng tahimik na buhay sa probinsya dahil sawa na ako sa magulong syudad.

Ian: Ano naman ima-masters niya?

Abba: Eh di Journalism o Broadcasting.. Yun naman ang natapos niya.

I: Actually, gusto ko talaga Advertising o Film kaya kinoconsider ko rin ang second degree. Hindi na kasi ako marunong magsulat saka hindi naman ako yayaman pag ganun ang trabaho ko.

Mamang: Sabi pala ni Amado, luluwas daw sila ng Maynila ngayong  summer, May ata, tapos personal na kakausapin daw niya yung kumpare niya, sa Inquirer daw pala yun nagtatrabaho. Sabi daw ng kumpare niya, irerecommend ka daw niya sa ibang dyaryo, sa kaibigan din niya. Hindi niya nirerekomenda na dun ka sa Inquirer dahil hindi raw maganda benefits dun.

I: Inquirer? wtf! Hindi ako makakapasok dun kahit kelan!

Ian: Ang sinabi ni Amado, mahirap daw makapasok dun kahit pa nirekomenda kasi pinipili talaga nila yung mga kukunin nila.

I: Oh yeah . I got it. Gusto mong sabihin na malaki ang posibilidad na di ako matanggap. Ayoko naman din talaga.

Mamang: Oo nga pero sabi ni Amado hindi naman nakakahiya yung irerekomenda niya dahil UP graduate ka rin naman.

I: Mang, hindi pasaporte ang pagiging UP graduate sa bawat career move.

Ian: Sabi niya hindi dahil may recommendation ay kukunin na nila.

I: I know right. Pinapamukha mo talaga na di ko kaya.

I: Siyempre pumipili naman sila ng magagaling talaga.

Mamang: Oo nga pero okay rin naman daw ang educational background mo. Hindi naman daw nakakahiya dun sa pagrerekomendahan niya.

I: Pero ayoko na magtrabaho sa dyaryo. Di na ako marunong magsulat ng balita. :&At tinatamad pa ako asikasuhin ang MA na yan. Dahil yung gusto kong kunin, wala dun sa mga school na gusto kong pasukan. Dahil gusto ko sa UP pa rin pero wala akong "high intellectual capacity". Gusto ko sa ibang university pero wala akong money. Dahil sa edad kong ito, hindi pa rin ako makapagdesisyon kung ano talaga ang gusto kong i-pursue.

Popular Posts