Rain Rain Go Away

Pauwi na ako, halos mamatay sa sobrang init, idagdag pa ang makapal na polusyon, nang mapansin ko mula sa ilaw ng jeep sa harapan na umaambon. Ang init pero umaambon. Simula na ba ng tag ulan? Outing kasi namin bukas eh.

Natatawa naman ako. Kasi ilang beses ding namove ang date ng outing at excited na ang lahat dahil at last matutuloy na. Bukas na nga oh. Pero fail. Mukhang simula na ng tag-ulan.

Tsk. Bumili-bili pako ng sunblock. Feel na feel ko lang. Beach kasi yun, malay ko ba na biglang uulan. “Tol di bale, five years ang shelf life ng lotion, magagamit mo pa yan sa susunod,” ewan kung matutuwa ako sa sinabi ng kaibigan ko. Habnag nasa jeep, parang gusto kong iGM sa mga kasama ko, "Magdala ng board games please. Mukhang indoor activities lang tayo eh.”

Ang isa pang nakakaasar, wala akong dalang payong. Howell wala talaga akong payong. Lagi ko lang binabalak bumili ng payong pero pagdating sa department store, wala akong mapiling design o kaya ang biglang nagiging kuripot ako at iniisip na hindi ko naman masyadong magagamit at makakatamaran ko rin itong dalhin pag lalabas ng bahay. Naniniwala akong I will survive the tag-init nang walang payong dahil I survived tag-ulan na walang payong.

“Dito na lang po ba?” Tanong ng kapwa ko pasahero nang mapansin na pumarada na sa isang kanto ang jeep na sinakyan namin. “Hindi na po tayo makakapasok diyan,” sagot ng drayber. Ang isang parte ng kalye sa unahan ay nababarahan ng mga puting monoblock at stage na naliligo sa ulan. Ang mga tao ay kanya-kanyang hanap ng masisilungan.

Miting de avance ng mga pulitiko. Naman! Kung kelan umuulan saka naman hinarangan ang daan! Halos dalawang kanto din ang nilakad-takbo ko, kasabay ang ilan pang galing din sa trabaho, papunta sa sakayan. Pagkasakay ng jeep, lalong lumakas ang buhos ng ulan.

Good luck na lang sa'min bukas.

Popular Posts