Gasul

tumagas yung gasul ni Nana
kumalat sa haus nya
pagsindi nya ng incandesent
ayun sumabog
parang granada ganun kalakas

Kinilabutan ako pagkabasa palang sa salitang gasul.

Ka-chat ko ang isang kaibigan. Kinukumusta dahil naintriga ako sa status message niya. At nalaman ko nga na may nangyari palang aksidente sa lugar nila. Nasunugan daw ng bahay yung kapitbahay nila.

Coincidence naisip ko. Kasi kaninang umaga lang, habang papasok ako sa opisina, may kung anong pumasok sa isip ko. Salamat talaga sa morbid kong pag-iisip.

Naisip ko kasi, pano kung sa pagpasok ko sa opisina, tumagas pala yung gas ng stove ko sa bahay. Andun kasi yung nanay at kuya ko. Morbid pero oo nasip ko, pano kung may mangyaring masama sa kanila dun habang nasa opisina ko. Pero agad ko din itong winalis sa isip dahil nga naniniwala ako na ang bagay kapag parati mong iniisip ay nangyayari talaga. At mas malakas ang hatak ng negative kesa positive.

Kagabi kasi nang magluluto ako, antagal bago sumindi ng kalan. Kung ano-ano pang pagroromansa (natutunan ko to sa UP, pag may mahirap buksan, romansahin) para lang umakyat na yung gas at magkaapoy na. Kaninang umaga ganun na naman. At bigla kong naisip yung anak ng tister ko nung elementarya, namatay dahil nasabugan ng gasul sa bahay nila. Kaya nga lagi lang naka-off yung gasul pag di ginagamit.

Iniisip ko na lang na magkakonek yung naisip ko at yung kwento ng kaibigan ko. Kunwari na lang may psychic powers ako. Ching!

Popular Posts