Nang Mawala ang Agimat ni San Miguel

Nalalasing na sa dalawang stallion, isang pale pilsen at isa’t kalahating bote ng San Mig Light.

Gone were the days na kayang tumagal kahit pa magdamagan ang inuman, GSM Blue, Generoso, Empoy, Red Horse, The Bar o Tequila man yan at nakakapasok pa rin sa klase alas syete kinabukasan.

Hay those were the days. Baguio days.

Kung isang malaking inuman ang Baguio, isa namang malaking rehab ang Maynila. Oo sumashot pa rin naman, may mga shotmates pa rin naman eh, pero hindi na tulad ng dati. Iba na kasi may trabaho na ang mga tao. Hindi na basta-basta makakapag-aya ng inuman dahil may sinusunod ding sked ang iba. Usapang-trabaho na kasi. Hindi na yan parang college na pwede lang i-drop yung subject pag naparami ka ng absent kakashot.

Noon. Umaabsent/nagka-cut class para lang makasama sa inuman. Pano kasi isang inuman lang na wala ka, marami ka na agad mamimis. Bukod sa alak, andyan ang usapan, chismis, isyu. Isang shot lang na wala ka, kinabukasan pag nagkita-kita, lost ka na. Kaya kahit may klase, sige sama na lang, kahit one roundsssss lang.

Ngayon. Mahalaga ang bawat inuman dahil iniiskedyul muna yan. At mahalaga dahil hindi mo alam kung sino-sino ang mga biglang sasama sa lakad. Mga taong binibili na rin ang oras.

Noon. Umiinom kahit di pa tapos ang iskedyul ng klase para sa maghapon. Maswerte na kung makapasok pa sa klaseng alas singko y media kapag ala una pa lamang ay nasa Kalapaw na. Salamat sa nakaimbento ng anim na absences na pwede i-incur.

Ngayon. Sige try mong umabsent. Malalagot ka na sa boss mo, wala ka pang pera. Pwede ka pang masibak sa trabaho.

Noon. Pumapasok na nakainom.Wag lang pahalata boy. Naka-shot ka na, present ka pa sa klase!

Ngayon. Kulang nga ang isang oras para sa lunch break tapos shashot ka pa?

Noon. Pagkatapos ng klase, bago pa man dumilim, diretso na sa bahay-inuman.

Ngayon. Maswerte na kung maisasabuhay mo ang TGIF o TGIS twice a month.

Noon. Hatinggabi may nagtext. Isang text lang. Hindi kailangang pilitin. Susuungin ang lamig ng gabi para lang marating kahit ilang milya pa ang layo ng inuman.

Ngayon. May nagtext. Deadma. Late na. Bat di sinabi nang mas maaga. Mas masarap matulog.

Noon. Inumang nagsimula sa Sabado, Huwebes na natapos. Pahinga lang ang pag-uwi sa bahay para maligo at pagpasok sa ilan sa mga klase.

Ngayon. Inumang pinlano nung nakaraang linggo, sa susunod na buwan na matutuloy.

Hay, good old days. Asan na. Iba kasi ang buhay mo NOON. Iba na NGAYON.

Mula sa halos araw-araw na inuman naging isang beses isang linggo. Naging dalawang beses sa isang buwan. Hanggang sa hindi na halos kilala ng katawan ang dati nitong matalik na kaibigan.

Wala na nga ang agimat ni San Miguel.

Popular Posts