Ph1 in Nasugbu

Sa hinaba-haba ng paghihintay, sa wakas natuloy din ang inaasam-asam na outing ng PH Marketing Sub-department 1! Ilang beses din kasing nare-schedule dahil sa mga bagay-bagay pero last Thursday at Friday, PH1 went to Nasugbu.

Umulan pa nga nung araw bago ang outing pero dahil naka-set na ang lahat, there is no turning back. Itutuloy ang outing no matter what. Lakasan na lang ang dasal na sana wag muna umulan sa Batangas sa araw na yun.

Beach kasi 'to. Mukhang dininig naman ang dasal namin dahil paglabas ng Metro Manila ay ambon-ambon na lang at pagdating Laguna at Tagaytay ay wala nang ulan. At tuyo din sa Batangas.

Our officemate brought vehicles, andun ako sa bagets/fun car (Eson's), the other one, mostly females, mukhang mga seryoso sila dun eh. We had Dinner at Green ATS. Halos lahat ng food may buko. Pati nga daw yung Bulalo soup parang may buko. Sayang kasi maulap, di makita ang Taal.




Ito yung rest house kung san kami nag-stay. They call it Yellow house but we call it the PBB house. Kung ito ang tunay na PBB house, definitely our group will be forced evicted. Halos lahat ba naman ang rules ay sinuway na namin nang mag-pool party.

Mas masaya naman kasi mag-inuman sa pool. Habang nagsho-shot, may view ng mga nagsi-swim (woot! woot!), tapos may kumakanta sa videoke sa loob ng bahay. The life!



The morning after...


After ng brunch, nagpunta kami sa isang isla, at dun nag-swim-swim ulit. Masaya kaya lang nung pauwi na kami'y malalaki na ang alon at kino-consider ko na itong second life ko. :p Lesson learned, wag magpapa-late ng sundo dahil hindi biro ang high tide.





Popular Posts