Goodbye Long Weekends


Ang pinakamagandang balitang narinig ko so far ngayong araw. Gulat-tuwa ako nang makita ko sa kalendaryo na Wednesday ang June 30. Middle of the week walang pasok. Ngayon lang ulit mangyayari to.

Apparently, ito na rin ang huling holiday na matitikman natin under Gloria's admin. Si Gloria na nagpauso ng Holiday Economics, ang paglilipat ng date ng holiday. Si Gloria na nagpasaya sa maraming empleyado (yung mga double pay pag holiday) dahil sa mga holidays na natapat sa weekend kaya nilipat ng Monday o Friday. Ang polisiya ni Gloria na nagbigay-saya sa mga estudyante dahil sa maraming long weekends.

Kung tutuusin ngayon ko lang ulit nai-enjoy ang long weekends care of Gloria. Nung nasa high school ako naexperience ko naman ang long weekends pero nung college ako, hindi na. Four-day class kasi sa UP Baguio, at ang araw na walang pasok ay Monday. Hindi kami nakikinabang sa holiday pag Monday. Nakakaasar lang. Bihira lang kasing gawing Friday ang holiday. Sa UP pa, depende sa professor, walang holi-holiday, pwede pa rin silang magbigay ng exam o lectures kahit pa Holiday yan o Sunday.

Matagal rin palang naupo si Gloria. Matagal talaga. Nakailang yugto ba sa buhay ko na siya ang presidente. Nasa Grade 6 ako nung naganap ang EDSA Dos, napatalsik si Erap sa pagiging pangulo ng Pilipinas. Nag-hayskul ako'y going strong pa rin si Gloria. Kolehiyo at rehistradong botante na ako'y nasulot pa niya ang pwesto sa muling pagtakbo. Grumadweyt ako't naging tambay ng ilang buwan, mukha ni PGMA pa rin ang nabalandra sa mga tarpaulin at posters sa mga jobs fair. Nagkatrabaho na ako, president Gloria pa rin siya. Buti naman at sa wakas mag-iiba na ang mukha sa Malakanyang (kung dun titira si PNoy).

Isa sa mga munting kaligayahan ko sa buhay ang long weekends. Sino bang hinde? Walang pasok. Kahit pano mahaba-habang pahinga, mahaba-habang tulog at mas maraming oras para gumala. Sa paglilipat ng kapangyarihan sa bagong presidente, pihadong hindi niya susundan ang polisiya ng nakaraang administrasyon. Pero okay na rin yun, sabi nga ng manager namin, “Kung isa ito sa mga dapat isakrispisyo para umunlad ang Pinas, then so be it.”

Goodbye long weekends.

Popular Posts