Hunyo

Minamasdan ang iyong larawan

Kasabay ng nagmamadaling mga patak ng ulan

Iniisip kung ano ang iyong ginagawa

Habang nililingkis ng tubig ang bakal ng salaming bintana

Iniisip kung sino ang iyong kasama

Habang hinahaplos ng hangin ang aking mukha



Unang araw ng Hunyo nang ika’y makilala

Bago matapos ang Hunyo sana’y makilala mo na rin ako

Popular Posts