Tag-ulan

unti-unti silang nabuo mula sa maliliit
at maliliksing patak ng ulan mula sa langit
sa magkabilang direksyon nabuo ang dalawang katawan
lumaki sa tulong ng ambong hindi paawat sa pagpatak
maya-maya'y tila may mga damdaming nagising
naghanap ng kakalinga, ng makakasama
ng makakabuo sa bawat isa
marahan, halos sabay silang sumulong
hinanap ang daan patungo sa bisig ng isa't isa
tila may pusong tumitibok
na siyang sinunod upang matunton ang bawat isa
patak pa ulan,
kaunti pa'y magkakatagpo na sila
malapit na
bumibilis ang tila nag-iisip na mga maliliit na katawan ng tubig
sa wakas nagkatagpo
at sa isang halik sila'y nagniig
hindi na muling maghihiwalay

Popular Posts