The Jeepney Chronicles: 10.21.10

Isa pa sa mga nakakaasar sa mga pampublikong sasakyan, lalo na sa dyip, ay yung mga couple na PDA. Yung tipong nagdi-date sa loob ng dyip na parang walang ibang tao dun.

I have nothing against couples na medyo PDA sa dyip, okay lang mag-PDA, wag lang sobra. Nasa pampublikong sasakyan kasi kayo, may mga ibang pasahero. Mga pasahero na tulad ko'y hirap i-ignore yung ginagawa ng mga PDA.

Tulad na lang kanina, yung katabi ko sa kanan na lalake, hindi man lang umuusog kasi ay nakaharap siya sa babae sa tabi niya. Nakalimutan ata niyang nakikisakay lang din siya at ang space sa jeep ay shared.

Dun naman sa isabng jeep na nasakyan ko, may sumakay na babae at lalake pero dahil magkabilang upuan ang bakante, hindi sila nagkatabi  at hindi rin magkatapat. Yung lalake nakaupo sa tapat ng katabi ko sa kanan at yung babae naman ay sa kaliwa ko. Ganun dun, kahit magkalayo, sa kanilang dalawa lang umiikot ang mundo nila. Ang hassle sa sitwasyon nitong dalawa, yung lalake kailangan pang dumukwang para magkarinigan sila. Gusto kong sabihin sa babae, "Palit na lang tayo ng upuan para mas malapit kayo."

Pero may mga mas malala pa dito. Ang dyip talaga parang circus.

Popular Posts