Very Final Destination

Kanina paglabas ng pinagta-trabahuang gusali, sinalubong ng mahinang hangin at malalaking patak ng ulan na unti-unting lumakas. Ang dalang payong ay agad ding binaligtad ng hangin. Naglakad sa ulan. Pagdaan sa McDo,binuwal ng hangin yung isang hut sa harap nito. Nag-iba ng direksyon para hindi tamaan ng anumang lilipad mula doon. Habang naglalakad, nabuwal ang No Parking sign na tatlong talampakan lang ang layo. Napausal tuloy ng mahinang dasal: Kung kukunin Niyo na po ako, plis wag po sana yung parang Final Destination.

Popular Posts