The Jeepney Chronicles: 11.18.10

Long-haired ladies riding the jeepneys: Please always mind the person/s sitting beside you when flipping your hair. Do not slap them with your hair unless you've got Jeff Fernandez' hair which always looks good and seems to smell nice.

Status ko yan sa Facebook. Naging aware talaga ako sa mga eksenang ganito sa dyip mula nang masita ako ng katabi ko dahil nililipad pala sa mukha niya yung buhok ko. Madalas hindi naman kasi ramdam lalo na yung mga mahahaba ang buhok, kapag nililipad ng hangin ang buhok at tinatamaan na pala yung katabi nila sa dyip.

Masakit kasi pas tumama sa mukha yung ends ng buhok, lalo pa kung sa mata. Pero ang sakin, forgiveable pa yung nililipad ng hangin ang buhok at nakakatama nang di sinasadya, eh yung pagfi-flip ng buhok. Insensitive lang.

Payo lang, ipansampal niyo ang buhok niyo kung maganda ito at mabango para di naman masyadong affected yung matatamaan.

PS si Jeffie ay friend ko at nakakainggit talaga ang ganda at lambot ng hair. Parang laging mabango. Pang-commercial. :)

Popular Posts