The Jeepney Chronicles: 11.30.10

Para po! Sigaw ng pasaherong kahawig ni Tanya Garcia. Tumigil ang dyip. Kuya, mag-ingat po kayo sa pagda-drive kasi yung mga pasahero niyo po, pa-nice na sabi nito bago tuluyang bumaba.

Nagngitian ang mga pasahero, syempre kasama ko, kasi tama naman yung bilin niya sa kaskaserong drayber.

May mga nagmamadali rin ho kasi, sagot ng drayber na malamang ay hindi na narinig ng bumabang pasahero.

Si Manong nagpapalusot pa, eh halos lahat ng pasahero niya nakakapit dahil sa padaskol-daskol (thanks sa term Fabio) na pagmamaneho nito.

Eh kung sa umaga kaya kayo magmadali nang hindi nahuhuli sa trabaho ang mga pasahero niyo.

Popular Posts