Wishlist for Christmas 2010

Tatlong P lang naman ang gusto ko for this Christmas. Peace, Pera at Pag-ibig. lololol

Sa dinami-dami ng circle of friends ko, wala dun kahit isa ang nagpauso ng gift-giving pag Pasko, or birthday. Bukod sa kuripot, ay sadyang barubal ang karamihan samin. Pero okay na din dahil hindi na nakakadagdag gastos (haha) dahil nakakaubos ng pera ang December, sobra. Isa na lang pala ang natitirang ninang ko dun samin. Pagkakatanda ko, elementary graduation niya ako huling binigyan ng regalo. Ayoko naman pumunta sa bahay nila para lang sa aginaldo, para sa mga bata lang yun. :p

Kung may mabuting-loob man na gustong magbigay sa akin ng something for Christmas, simple lang naman ang mga gusto ko sa buhay. (Ambisyosa ako at yung mga simpleng bagay na lang ang ipo-post ko.) Bukod sa cash, eto ang aking wishlist:
  • Libro. Mahilig ako sa Pinoy literature. Kahit lumang libro pa yan.
  • Calvin and Hobbes comic books
  • Archie comic books
  • Kikomachine comics, yung puro drawing lang. :p Nakalimutan ko kung pang ilan na yun.
  • F.R.I.E.N.D.S DVDs. Kahit pirated basta malinaw.
  • Gift check sa isang tattoo shop, worth at least 2k. :D
  • Anything frog.
Ito, gusto ko to! Nakita ko sa wagwagan sa Baguio kaso namahalan ako. 
Sabi ko nga, okay na ako sa mga simpleng bagay, tulad ng pagmamahal. :p Maligayang Pasko!

Popular Posts