Ngayong 2011

Alam ko halos dalawang linggo na ang nakalilipas sa January (na halos diko ramdam maliban na lang tuwing gigising sa umaga at kelangan pumasok) pero hahabol pa rin ako sa goals ko this year. Meron pa naman akong 353 days. :D

Bawasan ang alak. Tuwing sinasabi kong hindi na ako iinom, walang naniniwala sa akin. Pano ba naman kasi'y nag-aaral pa ako ito na ang sinasabi ko, na hindi ko naman talaga nagagawa. Maliban na lang dun sa mga time na kinaya kong mag-abstain nga mga dalawang linggo hanggang isang buwan. Kaya ang gusto ko na lang mangyari ngayon ay magbawas ng alak. Mas attainable yun.
  • Ayusin ang trabaho. Bawasan ang extra-curricular activities (tulad nito nagba-blog habang nasa trabaho). Sanayin ang sarili sa non-petix na trabaho.
  • Maglaan ng oras sa pagbabasa. Bili ng bili ng mga libro, puro alikabok na hindi pa nabubuklat ni isang pahina. Please i-reload ang utak ng mga matinong babasahin.
  • Magsulat. Noon, 15% talent 85% water, ngayon siguro 100% water na. Tubig na nilalanguyan nga iilan na lang na brain cells. To self: Kung ano man ang natitira sa mga nalalaman mo sa bagay na ito, paki-save na lang.
  • Bawasan ang pagbili-bili ng kung ano-ano, lalo na dun sa mga bagay na after few weeks ay saka mo maiisip na "mahal" nga talaga at saka magsisisi. [Ito naman ang every year kasali sa New Year's resolution ko. Try lang ng try.]
  • Maglaan ng oras sa panonood ng mga pelikula. Napag-iwanan ka na. Hindi na nga nagbabasa hindi pa nanonood. In short, bawasan ang paglalagi sa internet at sa halip manood na lamang.
  • Maging positibo sa mga bagay-bagay. Ako na reyna ng negative thoughts, magbago na para maka-attract ng positive vibes.
Bukod sa default goal na mahalin ang sarili, yan lang naman ang mga gusto kong maachieve for 2011. Sana swertehin ako this year! :D

Popular Posts