Pinoy Pick-up Lines

Last year pa 'tong post na to, nakatambak lang sa draft dahil tinamad na akong tapusin. Nung New Year inuman session namin ng mga high school friends ko, nagkahiritan ng mga pick-up lines, at nababara ko yung mga lalake (dahil luma na ang mga pick-up lines nila) kaya naalala kong tapusin ito at maipabasa sa kanila. Haha!

Nung nag-aaral pa ako at nung gradweyt na at wala pang trabaho, gawain kong magforward ng jokes at pick-up lines tuwing naka-unlimited texting ako. Sipag ko magtext nun to the extent na naging kakabit na ng pagkatao ko yung pagfoforward ng jokes. Madalas may mga nagtetext sakin humihingi ng bagong jokes, bagong pick-up lines ganyan.

Ang ginawa ko, kinopya from inbox to notebook dahil naisip kong balang araw maluluma na yung mga yun at parang masaya lang balikan kung anuman yung mga nauso dati.

Meron akong apat na klasipikasyon ng mga pick-up lines. Eto na, mix ng English at Filipino pick-up lines. :)

Una ay yung tinatawag kong pa-simple at pa-cute pick-up lines. Ito yung mga pick-up lines na pwedeng-pwede mo lang i-hirit out of the blue.
Pwede bang tayo na lang? Nakakapagod na kasing umupo eh!

Sana naka-off ang ilaw, para tayo nalang mag-on.

Paglaki ko, gusto ko maging sa'yo!

Toss coin tayo, pag head, akin ka. Pag tail, sige sa'yo na ako.

Di ko naman pinipilit na maging akin ka. Ang akin lang, maging sa'yo ako.

Iiyak ka ba pag namatay ako? Kung oo, pwes simulan mo na kasi patay na patay ako sa'yo.

Kapag feeling mo may kulang sa buhay mo, baka ako yun.

Kung takot kang masaktan, mas takot akong saktan ka.

Para kang holdaper. Lahat ibibigay ko sa yo, wag mo lang akong saktan.

Para kang cactus. Kasi handa akong masaktan, mayakap ka lang.

Kung nasa laboratory ka at kasama mo ako, eh di, you're in lab with me.

Sana scientist ako, para ikaw naman ang lab ko.

Tinurukan kaba ng anaesthesia? Bakit di mo maramdaman na mahal kita?

Nung makita kita, nalaman kong sinungaling pala si Anne Curtis. Kasi hindi lang pala siya ang nag-iisang Dyosa.

Kaya mo ba akong murahin? Kung hindi, eh di mahalin mo na lang ako.

Hindi naman totoo ang sinasabi nilang bobo ako. May laman ang isip ko. At ikaw yun.

Kung alak ka lang sana, ang laki ng matitipid ko sa inuman. Kasi tinitingnan palang kita, tinatamaan na ako.

Sana parrot ka na lang, para pag sinabi ko sayong I love you, sasagot ka rin ng I love you.

Aanhin pa ng addict ang shabu, kung mas nakakaadik naman ako.

Q: So kumusta naman ang buhay mo? A: Kumusta kaba?

Namamalat na naman puso ko, kakasigaw sa pangalan mo.

Pwede na ba kitang tubusin? Anlaki na kasi ng interes ko sa'yo eh.

Sana exam mo nalang ako, para sagutin mo din ako.

Bastos ka rin no? Di ka man lang nagpapaalam tuloy-tuloy kang pumasok sa puso ko!

Google ka ba? Lahat kasi ng hinahanap ko, sa'yo ko natagpuan eh!

Ide-delete na kita as Facebook friend. Ayoko kasi na friends lang tayo.

Sana Facebook status ka nalang, para puwede kitang i-like.

Itutuwid ko ang landas mo, para sa akin ka didiretso.

Ang buhay ko ay parang seesaw. Pag wala ka, down ako.

Boy: “Anong Tagalog ng ‘I love you’?” Girl: “Mahal kita.” Boy: “Mahal din kita.

Ang galing mo din no? Di mo pa ko binabato, tinamaan na ko sa yo.

Kung magkakaroon ako ng sariling planeta, gusto ko ikaw ang axis nito, para sa iyo lang iikot ang mundo ko.

Sana ako nalang si antok, para gabi-gabi puwede kitang dalawin.

Pag wala ka, ang buhay ko parang lapis na hi ndi pa natatasahan: pointless.

Sumali ka ng contest no? Kasi Panalo ka eh!

Noodles ka ba? Kasi lucky me.

Sana posporo ka at posporo ako, para match tayo.

Ibenta mo na bahay mo, tutal dito ka na nakatira sa puso ko.

Kung magiging bagay lang ako, gusto kong maging mapa- mapa-sayo.

Sa hinaba-haba mang ng tulog ko, ikaw pa rin ang dahilan ng paggising ko.

Para tayong kuwento ni Juan Tamad. Ako si Juan Tamad, ikaw yung bayabas. Hinihintay lang kitang mahulog sa kin.

Para akong oatmeal, I'm good for your heart.

Sana ikaw ang cardiologist ko para ikaw ang mag-aalaga sa puso ko.

Maglaro tayo ng kahit ano, wag lang taguan. Kasi a girl like you is impossible to find.

Album ka ba? Single kasi ako.

Tindera ka ba ng yosi? Kasi you give me hope and more.

Dalawa lang ang pwedeng mangyari. Either magmurahan tayo o magmahalan tayo. So ano?

Hindi ko alam ang katapusan ng universe, pero alam ko, ang simula, U N I.

Nasira yata cellphone ko, kasi wala dito number mo eh!

Minsan gusto kitang galitin, para patulan mo naman ako.

Nakalimutan ko pangalan mo eh. Puwede bang tawagin nalang kitang Akin?

Sana ako na lang si Barney. Para I love you, you love me.

My heart problem has reached such a critical stage that my doctor said there are only two options left: either ICU or U C me.

Para akong box dahil sa'yo. Coz you fill the emptiness in me.

Are you religious? Coz I may be the answer to your prayers.

Are you Jamaican? Coz you're Jamaking me crazy.

And of course, for more wholesome pick-up lines, listen to Nicole Hiyala's "Mahal Kita Kasi."


Or simply watch the movie "My Amnesia Girl."


Second sa aking classification ay yung korni pick-up lines. Ito yung mga tipong sa halip na matuwa ay baka maasar lang yung hihiritan mo.
Miss, pinaglihi ka ba sa inodoro? Kasi ako pinaglihi sa tae. Nung makita kita, di ko mapigilan mahulog.

Parang kang tae; hindi kita kayang paglaruan.

Umutot ka ba? Kasi you blew me away.

Para ka namang kulangot, you’re so hard to get.

Miss, may nakapagsabi na ba sa iyong…ang guwapo ko?

Chicharon ka ba? Hinahayblood kasi ako sa'yo.

Straw ka ba? Kasi plastic ka na, sipsip ka pa.

Pangatlo ay yung medyo bastos pick-up lines. Ito ay hinihirit ng mga certified manyaks.
Magic lamp ka ba? Sige nga, pahimas!

Baril ka ba? Patira naman, kahit isang putok lang.

Miss, fishball ka ba? Sarap mo kasi tusukin eh.

Musician ka ba? Tumataas nota ko sa yo eh!

Tricycle ka ba? Pasakay naman, hanggang labasan lang.

Sana naging manok ka nalang. Para lagi mong inuupuan mga itlog ko.

Sana naging palay ka nalang, para puwede kitang bayuhin.

Miss may ipagtatapat ako sa'yo…ayan…nakatapat na.

Kung may rabies ang laway mo, handa akong maulol, makahalik lang sayo.

Pag siya ang minahal mo, ipagluluto ka niya ng dinner araw-araw. Pag ako ang minahal mo, ako ang dinner mo araw-araw.

Sana ako na lang ang thesis mo, para you can always do me.

Steady ka ba? Gusto kitang galawin eh.

Lamesa ka ba? Gusto kitang patungan eh!

Siguro freezer ka tapos tubig naman ako. Pag pinasok kita, tumitigas ako!

Para kang paaralan, gusto kitang pasukan araw-araw.

It's not what you wear, it's how you take it off.

Your lips look lonely. Do you wanna meet mine?

Pang-apat ay yung mga pick-up lines for special occasions/situations only.
If only you will ask me what I want for Christmas, I would answer, "pagmamahal mo, maibibigay mo ba?"

Pahingi naman ako ng picture mo. Ibibigay ko kay Santa Claus para malaman niya kung ano talaga gusto ko ngayong Pasko.

Nung bata ako, ang hinihiling ko pag Pasko ay laruan, paggising ko meron na. Tapos gusto ko ng pera, paggising ko meron na. Sana kasya ka rin sa medyas ko, para paggising ko, akin ka na.

Sweswertehin ka sa pag-ibig ngayong taon, kung magiging akin ka.

Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi, may spark.

Bakit ba lagi kang nakasabit dyan? Eh, pwede ka naman mahulog sa akin?

Miss, para kang rebond, nagawa mo kong straight!

So hayan. Karamihan diyan sigurado di magwowork dahil cheesy pero yung iba, malay niyo. :)

Popular Posts