Pagkain Lang Talaga ang Katapat Ko

Mahigit isang taon na ako sa tinutuluyan ko. Ako na dati'y hindi natitigil nang isang taon sa isang lugar, mahaba na ang anim na buwan na pananatili ko sa isang bahay/apartment. Well, na-break ko na ang record ko. Ang dahilan: PAGKAIN.

Dito samin, halos every week parang may handaan. Yung landlady kasi mahilig magluto. Naghahanda sila pag may okasyon (birthdays etc.), kahit simpleng okasyon (tulad ng piyesta), at kahit nga walang okasyon ("free ito sa credit card", "gusto kasi ng anak ng ganito kaya nagluto ako). Pag weekends may mga homemade meryenda. Kahit wala dito yung tao, hinahandaan pag birthday.

Nung birthday niya, gusto niya simple lang, exclusive for closest friends. Monday ang birthday pero Friday pa lang may mga friends na siyang pumunta sa bahay para mag-dinner (syempre free dinner na naman ako niyan). Hanggang Monday may mga bisita pa rin siya, at ito ang tunay na handaan dahil ito ang tunay na birthday. Gusto niya simple pero marami pa ring handa. Tuwing may handaan marami talagang niluluto dahil ugali nilang mamigay ng food sa mga kapitbahay (minsan naiinggit ako sa mga kapitbahay -masiba ako eh).

Ang konsepto niya ng simpleng party ay yung maghahanda ang anak niya sa school at iba pa rin ang handaan sa bahay. Hindi maubos-ubos ang mga cake. Magsasawa ka na lang tuwing pagbukas ng ref ay puro cake. Eh, hindi mahilig sa cake ang mga tao dito.

Pag may birthdays, one week before ay pineprepare na ang ilan sa menu. Sa araw na mismo ng birthday, maaga pa'y gigisingin ka na ng aroma ng mga niluluto (ito ang tinatawag kong masarap na gising).

Last year, dapat nga daw sinabi ko nung birthday ko para nakapagluto man lang siya kahit konti (chos, nahiya naman ako). Donuts lang kasi ang nauwi ko, maraming donuts na ilang araw ding nanatili lang sa ref dahil hindi rin mahilig sa donuts ang mga tao.

Ito rin ang dahilan kung bakit kahit gusto kong magpapayat minsan (pag kelangan) ay hindi ko nagagawa. Masarap kumain eh. Kanina, stressed na stressed ako pag-uwi pero pagkatapos lumamon, feeling ko gumaan pakiramdam ko. Pagkain lang talaga ang katapat ko. :p

Popular Posts