Divine Comedy

Ang balak ko lang naman ay pumunta sa bahay nila Karen para makinood dahil nagtotopak ang player ng laptop at hindi ako makagamit ng DVD sa bahay dahil may bata. Gusto ko lang naman tapusin na sa wakas ang matagal-tagal nang nag-aantay na El Crimen del Padre Amaro. Oo luma na siya pero di ko pa napapanood nang buo at lately, bumabangon na naman ang isang makasalanang fetish ko sa buhay. Habang nanonood ng Gulliver's Travels ang mga kabahay ni Karen, naalala kong itext si John Ryan dahil baka off niya. Naalala kong ilang weeks na namin siyang tinatanggihan at October pa namin huling nakasama kaya nang ma-confirm na off niya ay ininvade namin ang pad niya at nag-movie.

Kulitan/harutan habang nanonood ng El Crimen del Padre Amaro:
JR: Meron ba talagang ganyan? Parang ang bata niya naman para maging pari.
Irish: Meron! Nung high school nga kami bata pa yung pari na nagmimisa sa iskul namin. Gwapo din!
JR: Malandi ka talaga! Pupunta ka lang sa misa dahil gwapo yung pari.
Irish: Eh ano. Masaya nga mag-communion nun eh!
JR: Dapat pag nagco-communion ka yung nang-aakit. (Action: suggestive na labas-dila)
~~~
JR: Matutulog muna ako. Pahiram na lang ako ng DVD.
Karen: Ano ka, in demand kaya yan.
JR: Oh?
Karen: Diba? (tanong sakin na absorbed an absorbed sa panonood)
Irish: Ah, oo, gustong hiramin ng kuya niya.
Karen: Saka original copy yan.
JR: San mo nabili to?
Irish: Sa mall, sa Robinson's. Ay hindi, sa SM pala!
JR: Kapag mga ganyang pelikula, gumagastos ka talaga no. Pag yung ordinaryo, okay lang kahit pirated.
Karen: Ang gwapo ni Gael!
Irish: Kahit ako din pag ganyan ka-gwapo ang pari, handa akong magkasala!
JR: Hay, mga Katoliko talaga. (Satanista kasi tong bitch na to eh.)
~~~
Irish: Dapat talaga pwede nang mag-asawa ang mga paring Katoliko. Kasi may mga hindi nakakapagpigil eh. Tao rin naman kasi sila.
Karen: Ginagawa naman nila kahit bawal.
Irish: Oo nga sana gawin na lang legal. (Silence) Kasi gusto ko rin ng pari eh! :D
JR & Karen: ^&@)#%&$& !
JR: Hayup ka! Umaasa pa naman akong kahit isa satin makarating sa langit! Siguradong hindi na ako yun! Umaasa ako senyo!
Irish: Oh hindi na rin ako yan! Si Sen na lang!
Karen: Di na pwede si Sen! Nagpa-abort na siya! Ako na lang.
~~~
Habang nanonood ng Howl's Moving Castle:
Karen: (Sa character sa movie) Ang gwapo naman!
JR: Tigang na tigang lang ah! Pati anime nagiging gwapo!
Irish: (Nananahimik kahit gusto nang magcomment. Paglabas ni Howl,) Gwapo siya!
JR: Isa pa to eh!
~~~
Irish: (Absorbed na absorbed sa panonood. Hindi tumutulong magluto. Bigla-biglang nagcocomment sa pinapanood.)
JR: Lumapit sa TV, mamamatay siya dyan (Howl).
Irish: %&@)#%&$& ! Spoiler! I hate you! Ano ba yan, hindi naman pala yan feel-good. Manood na nga tayo ng hollywood na happy ending. O kaya Disney Princesses!
JR: (Grins) Di ba touching? (Okay lang naman sakin yung mga spoiler, pero yung ganito...bitch.)
~~~

Natural na lumalabas sa bunganga namin ang mga kabalahuraan tulad niyan. Kung malinis ang conversation, malamang ibang level na ang kalasingan namin.

Pagkatapos ng Howl, pinilit nila akong mag-inom at pinagtripang ibugaw dun sa kainuman naming

bata mukhang bata.

Irish: Ayokong uminom! Hindi na ako umiinom!
JR: Hindi pwede!
Irish: Bakt itatakwil niyo ba ako pag di na ako umiinom?
JR: Oo dahil yan ang glue ng friendship natin! (This bitch.)
~~~
Karen: Kelan birthday mo?
Workmate ni JR: May.
Karen: Siya (Irish) March, 23 na siya. Okay lang yan. Anong height mo?
Workmate: 5'1".
Karen: Ikaw 5'2" ka no?
Irish: 5'2 1/2"
Karen: Oh okay lang yan! (I have the most supportive friends.)
~~~

At dahil ayoko naman talaga maglasing, dinaan ko na lang sa pagkain habang sila'y comment nang comment na para daw akong naglilihi, na kesyo hindi daw mada-digest agad ang tahong, kain daw ako nang kain kaya nagsusuka pag nalalasing, blah! Kebs. Bitches. Ako na ang tumataba. Masarap kumain.

P.S.

Ang galing-galing ng El Crimen del Padre Amaro! [Basahin dito] Sana nga gumawa din ng Pinoy version tutal may mga similar stories naman dito sa Pinas. :p

Yung Howl's Moving Castle naman ang cute. [Basahin dito] Ang simple lang ng pagkakagawa. Although mas nagandahan pa rin ako sa Spirited Away na same din ang gumawa.

Popular Posts