Engineer's Hill

June 6, 2006 Lumipat na ko sa boarding house.

Malamang kakalipat ko lang nito kaya one liner lang ang nasa journal. Napagod sa paglilipat ng mga gamit. Soloista eh. Mula Breha, sa Engineer's Hill ako napadpad. Bakit ba ayos tumira dito? Una, mura at walking distance sa UP. Pangalawa, dahil may malapit na talipapa at mga computer shops. Nung nasa Engineer's Hill ako, bread and butter ko ang pagsisinungaling at natuto akong dumiskarte para magsurvive.

Pano ko nga ba to nakita? Hmmm, dahil siguro sa karatulang wanted female boarder? :D Ang boarding house ay two-storey na kadikit mismo ng bahay ng landlord. Medyo luma na pero maluwang- may dalawang kwarto sa ikalawang palapag at isa sa attic. Ang mga gamit lang sa first floor ay isang lumang sala set at ang mga gamit panluto.

Pito kaming nakatira dito, pawang mga babae. Dito ko nakilala si Ate Karen na minsang nagpapalamig sa veranda sa labas ng kwarto namin. Lakas-loob kong nilapitan dahil nakita kong nakasuot siya ng APO shirt. "APO po kayo?" "Oo, bakit?" Ngumiti lang ako. "Gusto mong sumali? Anong year ka na?" "Second year po." "Okay ba grades mo?" "Uhm, okay naman po." (Ang totoo, meron lang naman akong isang INC (Math 1) at isang 4 (Philippine History. Ito lang ang history class nung college na hindi ko pinagkainteresan. Meron lang kasing isang exam na binagsak ko dahil hindi ko naman alam na may exam nung araw na yun at ako pa ang gumawa ng final paper tapos pumasa yung dalawang groupmates ko at ako ay kwatro. Bitter talaga ako.) "Pa-orient ka na lang muna. May orientation kami this week sa 20s." Tuwa ko lang dahil yung dating dormmate ko ay ayaw akog i-recruit. Wala atang bilib sakin.

Nung mga unang linggo ko dito, syempre nalungkot din ako. Hindi ko na kasama ang mga kaibigan ko eh. Ako lang kasi ang lumabas sa dorm. Bihira lang din nila akong madalaw at madalas kelangan ko pa sila suhulan para puntahan ako tulad ng ipagluluto ko sila ng lunch whatsoever.

May curfew sa bahay. Alas nuwebe naka-lock na ang gate. Pwede naman magpaalam sa landlord pag gagabihin para hindi muna i-lock ang gate pero nakakahiya lang pag palaging ganun. Yung pinakamatandang housemate ay may duplicate ng susi dahil late nakakauwi mula sa review pero hindi rin niya basta-basta pinapahiram sa ibang housemates dahil siya naman ang malalagot sa landlord.

Pag ginagabi ako dahil sa mga importante at hindi importanteng bagay, madalas nag-iimbento ako ng kwento tulad ng may activities sa school at minsan dahil galing kasi ako sa field trip sa Benguet at nasiraan ang jeep na sinasakyan kaya alas onse na ako makakauwi.

Nang minsang tinatapos ko ang paper sa isang computer shop na nasa baba lang naman ng boarding house, na-late ako ng 5 minutes sa curfew. Sarado na ang gate. At biglang umulan habang finifigure-out ko kung pano makakapasok. Ang meron lang akong number sa mga housemates ay si Ate Karen, kaya kahit nakakahiya at hindi ko dapat ginawa, (aplikante na ako ng APO nun) siya ang tinext ko dahil di ako makapasok at nababasa na ako dahil walang masilungan. Wala pa sa bahay ang may dala ng duplicate. Ang ginawa nila, pinaakyat ako sa bakod at mula sa binata ng kwarto nila ay sinukbit ang detachable na hagdan ng double deck at nag-ala-spidergirl/akyat-bahay girl ako sa ulan. Nakapasok akong basa at may dalang laptop na hindi akin. Ang problema lang, nakita kami ng nakatira sa katapat na bahay na pinsan ng landlord. Ilang araw din naming inabangan na pagsasabihan kami ni Tito, na hindi nangyari or hindi lang nakarating sakin.

Meron ding mumu story sa bahay na 'to. Nagising ako isang mabagyong umaga na halos ayaw sabihin sakin ng ibang housemates ang tungkol sa nangyari nang nakaraang gabi. Apparently, nung hatinggabi'y pababa daw ng hagdan ang isang housemate para magCR nang may nakita siyang batang lalaking halos limang taong gulang na nakaupo sa hagdan. Surpisingly, chill lang sila so feeling ko hindi lang yun ang unang beses na may nagparamdam/nagpakita. After few hours, nagtext yung pinsan ko na minsan ko nang dinala dun at di niya nagustuhan ag bahay kayapinapalipat ako sa kanila. Ang sabi sa text, napanaginipan daw niyang nawawasak yung boarding house namin at may nagmumultong batang lalaki. Coincidence 'no.

Maulan nang araw na yun. Ito yung mga panahong halos buong buwan ng Hulyo ay bumabagyo to the extent na nauubusan ng tuyong undies ang mga tao. Natuto akong maglagay ng plastic sa medyas bago isuot ang basang sapatos dahil sapatos lang ang pwede kong isuot bilang trainee ng soro. Maulan pero nangangati akong ikwento yung nangyari sa mga kaibigan ko. Pumunta ako sa Breha.

Kahit hindi na ko dormer, nakakapasok pa rin ako sa Breha (lakas!). Madali lang naman pumasok, ang mahirap ay lumabas. Madalas papasok ako sa entance mismo, sa may sala at dun ako sa fire exit sa likod lumalabas. Pagdating ng Breha, nakipagdaldalan muna ako at nakitulog sa kwarto nila Lian, pinsan ko, roommates pa rin sila ni Sen, yung isa pa naming super close friend. Nagising ako dahil parang nananaginip ako na hinihigop ng aparador sa tapat ko. Yung pwesto ko paggising, nakatapat yung ulo ko sa aparador, bale nalipat yung ulunan ko mula sa original na pwesto ko which is straight lang. Bago ako makatulog nakwento nila yung urban legend tungkol sa isa sa mga aparador doon, na noon daw ay may nagkulong doon na dormer hanggang mamatay. Hindi nila ine-specify kung alin dun pero paggising ko'y kinonfirm ko lang na yun nga yun.

So ano pa ba ang unforgettable moments ko sa boarding house sa Engineer's Hill? Yung nagyoyosi ako sa loob ng kwarto pag mag isa lang ako. Tapos one time, biglang pumasok ang isa kong roommate. Puno ng usok ang kwarto at may hika pala siya. Pero di niya ako napagsabihan, ako na lang ang kusang nahiya at pag magyoyosi ay sa veranda na lang.

Ito yung unang beses na tumira ako sa boarding house kaya dito ako natutong magluto para sa sarili. Mga prito-prito ganyan. Bilib na bilib ako nun sa mga housemates ko pag nagluluto ng adobo. :p Ako rin ang naglalaba ng sariling damit at dito ko naexperience ang hirapng pagpapatuyo ng nilabhan.

Bago matapos ang first semester ay inalok ako ni Dona na lumipat sa tinitirhan niya. Apartment siya na pag-aari ng nanay ng blockmate namin na nasa Diliman na at walang nakatira kaya naisipan nilang ipaupa na lang. Um-oo na ako kaya nung pagbalik ko sa Baguio nung second sem, nahirapan akong magpaalam sa landlord pero sinigurado ko naman na maayos ang pag-alis ko dun.

Popular Posts