Na Naman

Bigla na lang nabaha ang Twitter ng balita tungkol sa lindol sa Japan, na kaagad nasundan ng tsunami. Nawalan ako ng ganang magtrabaho. Pano kasama sa listahan ng mga lugar na tatamaan ng tsunami ang Cagayan. Gusto kong itext ang nanay ko para kumustahin kung anong lagay nila doon, I mean kung nasabihan na ba sila ng otoridad, na alam ko na rin naman ang sagot. Malamang hindi pa dahil fresh pa ang balita. Sa probinsya ilan lang ba ang may access sa internet na siyang mas mabilis magbigay ng updates? Oo, may telebisyon pero kabisado ko ang takbo ng mga tao doon, hangga't hindi ang immediate na leader ang magbibigay ng instructions, ang mga tao'y magpapatuloy lang sa normal na gawain.

Sana naman safe sila dun. Ang hirap talaga pag malayo sa pamilya, namamatay ka sa pag-aalala.

Popular Posts