Gawad Kalinga

I learned to give not because I have many but because I know the feeling of having nothing.
Hindi naman talaga ako active member ng Gawad Kalinga at ilang beses lang naman akong nakasama sa GK Build pero nang mabasa ko ang tweet ng GK tungkol sa ilang universities sa Laguna na nagcommit sa GK Bayani Challenge 2011, parang na-miss ko bigla at gusto ko biglang mag GK Build ulit.

First year ako nung sumali ako sa YFC (Youth for Christ), una dahil sa peer pressure, dalawa sa roommates ko ay YFC at yung isa naman ay active din sa church nila (Victory Fellowship) at ako lang ang walang religious org. Pangalawa, sadyang naghahanap siguro ako ng belongingness nung first year ako sa UP Baguio, marami kasi akong sinalihang orgs.

Second sem ako sumali sa YFC at proud akong sabihin na nagdaan ako sa lahat ng proseso, bawat seminar, covenant at meetings/gathering ay pinuntahan ko para maging full-fledge member. Masasabi ko ring ang panahong iyon ang pinakamalinis na part ng college life ko, malinis isip, sa salita at amdalas sa gawa. :p Gusto ko kasing kung ano yung sinasabi ko, ganu ndin ang ginagawa ko. Isang sem na walang alak, dahil nagcommit ako sa 0% alcohol. Hindi na rin ako nagsasalita ng masama. Masasabi kong isa ito sa pinakamaayos na phase ng buhay-college ko. Di ko lang alam kung bakit ako bumitaw.

Dahil din sa YFC, nalaman ko ang tungkol sa Gawad Kalinga. Partner ng GK ang Couples for Christ, therefore kasama na rin ang YFC. Camp 4 Benguet ang location ng unang GK Village sa Cordillera, malayo sa Baguio at nakakahilo ang halos 2 hours na biyahe. Pero sulit yun pagdating mo dun.

Malamang pamilyar na kayo kung paano ang GK Build. Bayanihan. Ang mga volunteers at mga beneficiaries ay tulong tulong sa pagtatayo ng mga bahay, mula sa simula hanggang sa huli. Mula sa pagbubuhat ng mga hollow blocks, graba, buhangin, hanggang sa paghahalo ng semento at ang finishing, pagpipintura, etc, lahat ito gawa ng volunteers at ng mga bibigyan ng bahay.

Ang mas masaya pa nito ay pag lunch na o meryenda, boodle fight yun, sa dahon ng saging kumakain at kamayan!

Nung second year ako, nag-inactive ako sa YFC dahil sumali ako sa sorority. O, don't judge me. Maayos yung soro na pinasukan ko. Service sorority yun, mas marami pang haggard moments kesa pagsasaya. Dun ko binuhos ang halos lahat ng oras ko. Bihira na lang ako nun maka-attend sa mga gatherings ng YFC. Pero hindi nman ako minata ng mga kasama ko sa YFC, supportive pa sila at inaacknowledge tuwing aatend ako (nakakahiya lang sa part ko, hehe).

Pero nang maging member na ako ng APO, tuluyan nang nawalan ako ng oras sa iba pang orgs. Hindi na ako sumasama sa GK Build. Buti na lang yung NSTP namin ay doon din, nagtuturo sa mga batang beneficiaries ng GK. Marami nang tapos na bahay nung balik ko sa GK Village, makukulay na ang mga bahay, ibig sabihin tapos na.

Pero yun na yung huli. Never na akong nakabalik dun. Sana makapag-GK Build ulit ako sometime in the future. :)

Breha GK Build









Popular Posts