Kape

Nung Sabado nag-aya si Tinn na ilibre ko siya ng kape sa Starbucks after dinner (super late birthday treat). Ang laki ng problema ko dahil matagal na akong hindi nagkakape.

Habang nasa jeep papuntang Rob, nakaisip ako ng paraan. Sa Figaro ko na lang siya dadalhin at ako'y kakain na lang at siya'y magkakape. Ang problema lang ay kung gusto niya talaga ng kape ng Starbucks dahil napaka-specific ng text niya. Pagdating sa mall, tumambay ako sa wing kung saan malapit ang Figaro para kapag dumating si Tinn ay dun ko na lang papupuntahin, wala nang kawala. Pero sa huli'y di rin siya nakarating.

Habang nag-iikot sa mall, may isa pang pumasok sa isip ko: hindi ko na ngarud mae-enjoy ang kape afternoons kasama ang mga kaibigan sa Baguio. Isa sa mga paboritong gawin ng mga blockmates ko ang pagkakape pagkatapos ng klase sa hapon o kaya pagkatapos ng inuman o kahit pa pag mag-uusap lang. Usong-uso ang kape sa Baguio dahil masarap magkape sa Baguio. Pag may events sa UP (seminar o pa-contest ng mga orgs) expect mo na kape ang ise-serve, di uso ang iced tea o juice, kasama siyempre ng Dane's pandesal. :D

Nakakailang baso din ako ng kape dati dahil mabilis lumamig so uubusin mo talaga agad. Kaya mabenta ang unlimited coffee. Kaya rin nawawala ang epekto ng kape sa mga tao lalo na sa mga estudyanteng laging nagpupuyat. Pag first year, effective pang pampagising ang kape. Pagdating ng second year, susubukan mo na rin siguro ang alternatives tulad ng extra joss (panahon ko) o cobra (sa ngayon). Third year onwards halos blood type mo na ang kape, wala nang epekto, sa iba nga pampatulog na lang.

Pag umakyat kaya ako mapi-peer pressure kaya akong magkape? Pag hindi, eh di ako na si Miss Ladies Drinks na ang pwede lang inumin ay iced tea, juice o shake. Eh hindi rin ako umiinom ng iced tea, unless kelangan talaga tulad ng pag nag-iinuman at iced tea ang chaser o kaya sa birthday at iced tea ang inumin.

Sabi ni Bangs may bago daw potential tambayan/kapehan sa Upper Session Road. Sabi ko'y di ko na mae-enjoy ang kapehan dahil di na ako nagkakape. Bakit daw. Di ko rin sigurado pero ang sagot ko'y "health buff echos." Hindi ko rin maalala kung anong nangyari pero basta nagising na lang ako isang araw na ayoko ng kape at sa halip gatas o milo na lang ang pampainit ng tiyan sa umaga. Tuwing magkakape ako ulit ay nagpapalpitate ako at malamang matagal nang makatulog sa gabi. Kaya pagkain na lang ang pampagising ko pag nasa trabaho. :D

Basta tinitiyak ko, kape imi-meet ka ulit ng lalamunan ko in time. Dahil pag ako naging boss, magkakape talaga ako. Nang maranasan ko naman ang magpatimpla ng kape sa mga tao ko. :D

Popular Posts