Na-grade Conscious Ako...

...nang lumabas sa balita ang pangalang John Gabriel Pelias. 'Tong halimaw na 'to. Siya lang naman so far ang may hawak ng pinakamataas ng grade sa Unibersidad ng Pilipinas, 1.016, BS Math sa Diliman.

Pagkatapos kong mapanood sa YouTube ang interview niya sa State of the Nation, pinost ko ang link sa Facebook na may caption na "Ang masasabi ko lang, ang lungkot naman ng buhay mo kasi dalawang grades lang naranasan mo. Hehehehe." Aba, syempre like yan ng mga tulad kong delingkwente nung estudyante.

Hinungkat ko tuloy ang Official Transcript of Record ko para kumpirmahin kung naranasan ko nga ba lahat ng grades. Well, muntik na. 1.0 | 1.25 | 1.5 |  |1.75 | 2.0 | 2.25 | 2.5 | 2.75 | 3.0 | 4.0 | INC Pati DRP meron ako.


Pero looking back, wala akong pinagsisisihan (let's see pag sumubok na ako sa graduate school) dahil bawat numerong nakalagay sa transcript ko ay may sari-sariling kwento.
Gusto ko mang ikwento lahat aabutin ako ng singkwentang entries.

Yung unang Kwatro ko ay nung first year, first sem, nakwento ko na to. Sa parehong semestre din nagkaroon ako ng INC, Math1. Oo dakila talaga ako, pero ipagtatanggol ko ang sarili ko. Maayos ang performance ko sa Math1. Ang totoo niyan exempted ako sa final exam. Hindi lang ako nakasama sa paggawa ng final group requirement dahil delayed ng isang araw yung text ng mga kagrupo ko. Hindi ito exaggeration pero hindi pinaniwalaan ng groupmates at kung may mga naniwala man huli na ang lahat dahil naipasa na nila yung requirement nang wala akong pangalan. Ilang semestre din bago ako sinipag na i-complete ito.

Nang matanggap ko ang unang TCG, muntik na akong mapauwi nang Cagayan. Nilamukos ko nga sa sama ng loob, baka nga tinapon ko rin dahil yun lang ang nawawala sa files ko.

Yung pangalawa kong kwatro ay Biology10 naman, GE din. To be fair, pinayuhan naman ako ng instructor na mag-drop pero dahil malakas ang loob ko (ang totoo'y bawal magdrop dahil aplikante ako sa soro) ang aim ko nun ay mataas-taas na resulta ng final exam, na di ko naabot. Ganito din ang kapalaran ko sa PolSci11, happy ending nga lang. PolSci ang pinakamasayang subject na nakuha ko ever at dun ko lang naranasan sa tanang buhay ko ang mapalabas sa klasrum dahil di ko memorized ang mapa ng Pilipinas at buong mundo.

Yung kwatro ko sa History1 ay sinubukan kong i-remove pero wala na sa unibersidad ang propesor ko kaya nanatili itong no grade. Nag-remove ako sa Bio10 sa tulong ng ibang guro (dahil wala na din sa unibersidad ang instructor ko nun) pero di rin ako pumasa. Pinayuhan ko ni Ma'am na i-retake ko na lang at nanatiling no grade ang 4. (Naipasa ko ang take two despite the fact na 7am class siya at madalas ay di ko na naabutan ang klase dahil madalas ay 5-20 minutes lang ang klase. Pabibo naman kasi ako pag naabutan ko ang klase- pabibong BI sa mga freshie.)

Na-INC ko rin ang College Writing. Lalong tumindi ang pagnanais kong mag-shift sa ibang kurso. (Back story: Sa English1 ay nasabihan na akong di ako 
marunong
magaling magsulat na siyang simula ng pag-consider kong mag-shift. Naipasa ko naman ang subject. Salamat siguro sa kaunting nalalaman ko sa grammar na siya daw angkla ko sabi na rin ni Ma'am.) Second year nang maisip kong mag-shift, gusto ko ng PolSci (minor) pero parehong di ko kakayanin ang Econ at Anthro bilang major. Una dahil bobo ako sa Math, pangalawa alam kong ibayong sipag ang kailangan sa Anthro at wala ako nun. Kinunsidera ko din ang Language & Litrature kaya ako kumuha ng Malikhaing Pagsusulat. Iginapang ko ang tres na marka sa transcript ko. Pero nangibabaw ang takot ko nang may magsabi sakin na bihira lang ang nagtatapos na BLL majors sa UPB.

Third year ako nang mag-drop ako sa isang subject. Ethics lang naman, ethics. Kung tutuusin pwede naman akong hindi magdrop. Pwede naman magtapang-tapangan kahit pa sa huli'y singko din ang grade, at least pinaglaban ko sana. Kaso delingkwente ako eh. Sa sobrang curiosity ko sa feeling ng mga nagd-drop, sinubukan ko nga. Nang sumunod na sem, iniyakan ko lang naman yung subject na di ko nakuha kapalit ng retake ko ng Ethics.

Summer class ko naranasan ang uno. PE ito, Orienteering. Ang pinaka-astig na PEng kinuha ko at lahat ata kami sa klase ay Uno. Hehehehe. Siyempre malapit na akong grumadweyt kaya nung mga sumunod na sem, medyo umayos na ako. Takot ko lang na di grumadweyt on time. Hindi kasi tinitingnan ng mga magulang ko ang TCG ko, (pinapakita ko lang kapag maayos ang grades, eh hindi nakukumpleto ang sem na wala akong INC o kwatro so isang beses lang ata ako nagpakita ng TCG sa kanila) pero ineexpect nila na gagraduate ako on time.

Last semester. Yung mga kabatch ko konting units na lang ang tinatapos. Yung mga walang sinayang na grades at masipag pa mag-summer class. Pero ako full na full load pa. At dahil mayabang ako, kumuha pa ako ng extra PE, tila nakulangan pa ako sa pressure at nawalan ng paggagamitan ng vacant hours. Naipasa ko naman lahat, pati yung Archery na hindi nagkulang ng pagbibigay ng pisikal na pasakit sakin. :p

Sabi ni Pelias, para sa magandang grades, kelangan lang daw ng hardwork, dedication and doing away with distractions- sablay ako sa lahat pero awa ng Diyos, sa kabila ng katotohanang mas pinipili ko parating pag-aralan ang alcohol content ng Yakburst at Red Horse (hanggang bisperas ng graduation) ay kasama ako sa mga balahurang
estudyanteng
UP grads (yeahmen!) na nagpasaya sa mga tao sa loob ng Baguio Convention Center nung April 24, 2009.

Oh well, bottom line is sadyang may mga nabiyayaan ng extreme intellectual capacities, sadyang may mga masipag at masikap sa pag-aaral, pero paglabas ng unibersidad, sa tunay na mundo, hindi parating sukatan ng kakayahan ng isang tao ang mga numerong nakatatak sa pagkatao nito bilang estudyante noon.

Kasama ko si Ewik at Jona

Popular Posts