Ang Pagbabalik ng Pepsi Blue

Kaninang umaga nang papunta akong Robinson's, napansin ko sa labas ng isa sa maraming 7eleven sa Pedro Gil ang tarp ng Pepsi. Di ko sana mapapansin kung hindi dahil sa lalakeng nakatayo sa harap nito na titig na titig sa tarp.

Ang Pinoy May Sarap ng Pinas. Hindi ko binasa yung buong ad. Pag-uwi ko ng bahay at pagbukas ng Facebook, napansin kong maraming nag-post ng videong 'to:


Panalo! Dahil paminsan-minsan na lang ako nakakanood ng TV so di ako updated sa mga patalastas pero alam ko kung kelan may magandang commercial sa Philippine TV, yun ay kapag nagiging viral sa FB.

Naalala ko bigla ang Media Studies 11 nung college kung saan pinag-aaralan ang tungkol sa Philippine media, lahat ng cliche, kasama na 'tong action films na usong-uso noon.

Pasabog ang pagbabalik ng Pepsi Blue na Pepsi Pinas na ngayon! Yung mga gantong ads ang nagpapabalik sa pangarap kong magtrabaho sa advertising eh. :)

Popular Posts