Once a Manggogoyo

Always a manggogoyo.

Tell me I'm not the only one who took the lane for the elderly and pregnant to get away with the long queue of passengers at the MRT.

It was my first time to do that, although when it comes to panggogoyo, beterana na ako diyan. :p Na-master ko na ata ang tamang acting para bumenta ang palusot, sa kahit anong sitwasyon.

Habang pumipila sa ticket booth, napansin ko yung katabing pila na di na pala kelangan ng bag inspection, syempre nagtalo na naman ang dalawang boses sa ulo ko. Sabi ng isa, ang tanga ko naman, eh ano kung mas mahaba yung pila sa pang-apat na linya eh di na pala kelangan pumila ulit para makapasok. Siyempre di tumatanggap ng pagkatalo iyong isa, dapat makaisip siya ng mas magandang ideya para makabawi sa oras na masasayang! Napatingin siya sa tiyan, kakatapos lang magmiryenda kaya busog at sumisigaw ito sa loob ng suot na blusa. Aha! Tutal minsan lang naman, pinaghintay ko na kasi nang ilang oras si Katrina na kakatagpuin ko sa Megamall.

Pagkakuha ng card, nakiraan sa gitna ng pila at diretso sa isang makipot na pasukan na walang pila. May mama sa unahan ko, sabi ng guard, "Sir, pang matanda at buntis lang po ito" sabay turo sa kanya sa dulo ng ilang layers na pila ang workforce ng Makati. Bumaling sakin ang lady guard, "Buntis po kayo ma'am?" Pa-demure na "Uh-um" ang sagot ko dahil di ko kayang sabihin ang Opo o Oo. Sabay kunwari takip-protect ng bag sa tiyan nang dumaan palabas yung mama sa harap ko.

Kung pano ako naging mahusay pagdating sa pagsisinungaling slash panloloko, lahat yan natutunan ko habang nasa kolehiyo sa University of Pila. Bilang nung nasa UP ako'y nasanay sa singitan tuwing enrollment or kahit anong event na laging may mahabang pila. Now here is a random fact about me, pinaka-ayoko sa lahat yung naghihintay ako. Maiksi ang pasensya ko pagdating sa matters of pila or hintayan.

When it comes to lining up, it pays to have friends you know. Lots of them and from different colleges. At orgs, syempre. It's called diskarte dude. So everytime na may pila, maghanap lang ako ng friends na nasa unahan or malapit sa unahan or kahit saang part basta wag lang sa dulo, at chichikahin at maya-maya nga'y nakapila na ako. It pays to have lots of friends indeed dahil pag kakilala mo din yung mga nasa likod slash siningitan mo sa pila, di ka naman na aawayin nun most probably. :) Sa tanang buhay ko isang beses ko pa lang ma-experience na mau sumita, actually hindi sakin kundi sa friend ko na siyang pasisingitin ko dapat sa pila ng Korean Film Festival sa EDSA Shang.

At ngayon nga kahit wala na ako sa UP, it still pays to have unparalleled wisdom. Ohmaygash may nagbubuhat na naman ng sariling bangko.

Basta alam ko hindi lang ako ang

manggogoyo
madiskarteng gumawa neto pero yung mga goodies dyan, WAG GAGAYAHIN ITO!

PS Ano ang karampatang parusa ng ginawa kong pag-short cut sa para makapasok nang mabilis sa MRT? :p

Popular Posts