In Baguio Where Everything is a Walking Distance

Nakakamiss ang Baguio kung saan walking distance ang lahat. Maglakad ka lang nang maglakad, mapapadaan sa park or cafe na mukhang par, titigil tatambay, soul searching kunwari (na madalas nagiging food searching/food trip). Tapos mayamaya okay ka na.

Bukod sa pagtulog, ito ang paborito kong past time sa Baguio, ang maglakad nang maglakad na walang siguradong patutunguhan at minsan pag napalakas pa ang topak, sasakay sa random jeep at magra-round trip. Tuwing may bumabagabag sakin (emo para sa iba), naglalakad ako, papuntang town, palabag ng down, paakyat-pababa sa mga kalyeng di pa napupuntahan, lumiliko sa mga kantong mukha namang maayos daanan (pag mapuno at walang masyadong bahay). Maglalakad, minsan blangko lang ang isip, naglalakad lang nang wlang purpose, pang-ubos oras ba , mas masaya maglakwatsa kesa mag-aral. Minsan naglalakad magulo ang isip, ang maganda nito, madalas pagtigil mo dahil pagod ka na or may narating kang isang lugar, or nakauwi ka na pala, minsan din may solusyon na sa problema.

Ganun din ang ginagawa ko pag sumasakay ng random na jeep. Pero mas madalas ginagawa ko yan pag nag-eexplore. Like sumasakay ako sa mga jeep na papunta sa mga lugar na di ko kabisado para lang pagdating sa destinasyon ay masab kong, "Ahh, ito pala ang Quezon Hill, "Ito pala ang Navy Base" Etcetera blah. Sabi nga ng isa kong kaibigan, "Sa halagang P7, nalibot mo na ang Baguio!" Kasi madaya kami ang round trip namin pang one-way lang.

Ume-emo na naman ako, dala ng pag-e-edit ko ng mga litratong kuha nung estudyante pa ako sa Baguio. Pero seryoso, di ko kasi magawa yan dito sa Maynila eh. Ang pinakamalapit na siguro sa soul searching na nagawa ko dito ay ang pagtambay sa Roxas Boulevard, sa Manila Bay just because I find joy sa pakikinig sa mga usapan ng mga tao sa paligid. Pero di ko na rin magawa dahil na-o-awkward-an na din ako.

Di bale makakaakyat din ako. Antayin mo ko mahal kong Baguio. :)

Popular Posts