Penpen de Sarap(en)


Hindi na dapat matutuloy ang lakad na 'to dahil ang mga QC people ay hindi pwede ng Sabado night. Kaso may isang nag-status sa Facebook ng "Mga Iskolar! Meron na! Yehey!" Siyempre, ako'y dagling tumugon ng "Okay, see you this weekend." Nagpahuli, eh. :p

Later that night, binubulong ni Melvin kay Virge na, "Sa susunod 'wag ka nang magpo-post sa Facebook 'pag meron na." Haha! Sorry blockmates, alerto bente kwatro lang talaga ako.

Ang aga lang namin (alas kwatro na naging alas singko) dahil may pasok pa kinabukasan at may makakapal na ulap na nagbabantang magbuhos ng ulan. Sa Cubao Ex ang tagpuan, para siguradong makarating ang mga taga-QC, pero out of the way pa rin daw pala sa kanila. Pero wala silang choice dahil ako ang 'organizer.'

Kumain sa PenPen Restaurant, treat ni Virge, kung saan nakamit ko ang kampeonato sa Pasta All You Can, at si Karen ang iced tea all you can. Natikman ko lahat except yung vegetarian pasta. Glutton.

Mga interesanteng bagay sa loob ng resto na kuha ni Karen gamit ang kamera ni Melvin:





Pagkatapos lumamon, nag-ikot sa lugar at naghanap ng bahay-inuman. Sayang sarado ang Mogwai kaya napadpad kami sa katabing bar, Fred's 1905 Revolucion kung saan lapat na lapat kantahin ang "Can you pretend that airplanes in the night sky are like shooting stars.." sa dami ng eroplanong dumadaan.

Sa labas kasi kami naka-pwesto, sa may kalsada mismo at tuwing may dumadaan na sasakyan ay nagpa-panic ako't baka masagi. Kaya lang di na namin na-bully fully yung isa pang iskolar (Melvin), ako pa ang na-bully ng mga echoserang frog.

---

Pauwi...

Dona: (to me upon noticing my dry lips) Ay, windburn.
Irish: Hindi, herpes 'to.
Random: Yuuuuuck!Ano bang ginawa mo? Ayyy, may tinatago ka na ah. Ano yan, nalasing ka ba? Di mo maalala kung anong nangyari? San mo nakuha yan?
Irish: Di ko alam basta bigla na lang naging ganito. Dati okay na siya pero bumalik.
Random: Bakit ka meron niyan? Ewwww, STD.
Irish: Rumaraket kasi ako. Tinigil ko nga muna.
Melvin: Kayo naman guys, baka napasubo lang siya.

Popular Posts