That Awkward Situation

When you saw/bumped into some acquaintance after quite some time and you're not sure whether to go to that person and say "hi" or just pretend you didn't see him/her at all.

Nangyari na ba sa'yo yung nasa isang public place ka, or naglalakad somewhere tapos bigla kang makakakita ng isang kakilala, pero hindi mo sigurado kung naaalala or kilala ka pa ba niya? Depende sa tao ang reaction sa ganitong sitwasyon:
  • Kapag di mo naman siya nakakausap dati pa, magkukunwari na lang na di siya nakita dahil sigurado yun din ang gagawin niya. Maghahanap ng pwedeng pagtaguan, itatago ang mukha, babaling sa ibang direksyon at kunwari di mo siya napansin. Bakit? Ang awkward lang kasi kapag bigla mo siyang binati tapos di ka pala niya maalala, diba? :p
  • Kapag naman dati ay medyo nakakausap mo na or friend ng mga friends mo so nakakasama mo na dati, pero di naman kami close, okay na yung ngiti or kaway, kapag malayo kayo sa isa't isa. Pero kapag magkatabi na nga kayo sa pila at wala ng chance na magtago ka pa ng face, okay na yung "Hi! Di ba friend ka ni blah?" "Di ba naging classmate kita sa blah?" Eto yung best palusot kapag di mo maalala ang name niya.
Nangyari na ba sa'yo yung bigla ka na lang lalapitan ng isang tao, tapos kakausapin kang parang matagal na kayong magkakilala. Hindi yung tipong feeling close lang ang dating ah, yung talagang ang arrive ay magkakilala na kayo?

Alam ko madalang lang yan, pero nangyari na sakin minsan, nang bigla akong lapitan at kausapin ng isang lalake sa gym. Di ko na maalala kugn ano yung pinag-usapan namin pero ang dating at sa tono niya ay napaisip talaga ako kung sino siya at san nga ba kami nagkakilala. Hindi birong napaisip lang dahil nahiya pa ko sa sarili dahil parang ang sama ko naman, kilala ako nung tao at mukhang close pa kami tapos di ko man lang maalala kung san ko siya naging classmate or ka-group.

Well, turned out na di naman pala talaga kami magkakilala. Pero whew, iab pa rin. Iba sa pakiramdam na alam mong kilala mo yung tao pero di mo lang maalala ang pangalan. Iba yung di mo sigurado kung kilala mo ba talaga siya dahil ibang level ang conversation niyo. :p

Popular Posts