Maganda ang Gabi (at Kinabukasan)

So I'm still up listening to 2 composers. Yung isa nagpapacritic, kahit wala naman akong alam talaga sa bagay na 'to. Yung isa, wala, gumu-groupie lang ako. Naiinggit talaga ako sa mga taong may talent. Sana ako din.

I'm such a friend kaya multi-tasking ako, bihira lang mag-online sa FB chat kaya pag naka-green button, daming nangungumusta. Pero di ako nagsuplada ngayon dahil maganda ang gabi kahit na haggard, go lan! Sabayan pa kasi yan ng isang makulit na brod (na buti na lang at di niya 'to mababasa) kaya di matapos-tapos yung mga entries sa bakasyon sa Baguio.

Sabi ko nga, ang saya ng gabing ito kaso may isang muntik nang magpaiyak sakin. Pinigilan ko umiyak dahil ayoko mag-emo ngayon. Heto yun:

At Kinabukasan

Oh ang bilis ng panahon
parang kailan lang nakilala
parang kahapon lang
parang isang gabi ang nagdaan
sa oras na kapag minamasdan
ay mabagal ngunit kung hindi naman
oh kay bilis alam kong nakakainis
walang magagawa kundi ubusin ang panahong natitira

Ngayong gabi
Sasamahan ka
At kinabukasan ‘di kita iiwan

Tara na at magsama-sama
sumabay sa agos ng panahon
Lika na at huwag matakot
harapin ang mga bagong hamon

Sa tabi-tabi
lagi tayong nagpapansinan
laging nagkwekwentuhan
laging nagkakatuwaan

Pero minsan-minsan
ay mayroong iyakan
ating pinaguusapan
at ating pinagtutulungan

Para maayos ang samahang ating binuo
pangako sa inyo
ito'y pang-habang-buhay na iingatan ko

Ngayong gabi
Karamay ka
At kinabukasan
Huwag mag-alala
At muli tayo ay nagsamasama
sabay-sabay naalala
mga kalokohan na ginawa
at maya-maya
sasakit ang ating tiyan
sa kakatawa, sa kakakain, at kakagala

Pakinggan dito: http://dl.dropbox.com/u/156418/At%20kinabukasan...mp3

So ito ay composition ng blockmate kong si Henny Penny. Una niyang pinabasa yung lyrics bago sinabing ang kanta ay para sa block namin, na na-feel ko naman agad. Obvious naman kasi, hehe. Sarap lang sana mag-emo pero kelangan talaga pigilan, baka mapa-akyat ako sa Baguio nang wala sa oras eh.

Anyways, I should be sleeping now. Manonood pa ng Zombadings bukas. Pero ang totoo ayaw pa ako dalawain ng antok. Iba na nga ang body clock ko. Sa oras na to'y di pa ko dalawin ng antok samantalang kanina sa jeep ay naiidlip na. Nasasanay na naman akong late matulog at late din nagigising meaning late din uuwi. The *dark side is really out to get me!

Ayos lang! Maganda ang gabi!

*Dark Side = yung mga katrabahong late pumapasok kaya ginagabi ng uwi kaya sila taga-dark side.

Popular Posts