Aftershot

Yung halos isang oras lang na tulog dahil galing sa magdamagang inuman pero kelangan bumangon dahil may pasok.

Yung mapipilitang maligo nang walang hot water para mahimasmasan. At saka maliligo ng pabango para hindi mag-amoy alak.

Yung kakain ng may sabaw at iinom maraming tubig para mawala ang tama ng alak.

Yung tipong pagdating sa iskul ay nakalutang ang pakiramdam at hindi makapag isip nang maayos pero kelangang pumasok para sa attendance.

Yung tutuksuhin ka ng mga kaibigan na “Amoy alak ka na naman. May hang over ka pa ata eh pumasok ka pa.”

Yung tipong sa kalagitnaan ng pagsasalita ng guro sa harap ay iidlip at saka na lang magigising pag tapos na ang klase at manghihiram na lang ng notes sa katabi.

Hay Baguio. Nakakamis. Ngayon lang ulit kita naranasan.

Popular Posts