Petition for PUVs to Exhibit Star Cinema Movies and the Likes

Tinanong ako minsan ng isang kaibigan, kung sa tinging ko daw ba ay pinapalabas ang Titanic sa mga pampasaherong barko. Di ko masyadong pinansin kasi ang sa akin, pelikula lang naman yun, so okay lang na ipalabas.

Nitong biyahe ko pauwi ng Cagayan, pinalabas sa nasakyan kong bus ang isang pelikula tungkol sa trahedyang nangyari sa isang grupo ng magkakaibigan habang sakay ng isang eroplano (nakalimutan ko ang title). Fiction siya pero dun ko lang na-gets yung tanong na kung pinapalabas ba ang Titanic sa barko. Sa tingin ko hindi at sana ay hindi (iilang beses pa lang kasi ako nakasakay sa barko/RoRo). Bus ang sinakyan ko pauwi pero naisip ko, pano kung pinalabas yung pelikula sa eroplano? Baka inatake na sa puso ang lahat ng pasahero bago pa naman may mangyaring totoong crash/aksidente.

Yung bus naman na sinakyan ko pabalik ng Maynila mula Cagayan, ang palabas pagsakay ko ay pelikula nina Bong at Assunta na kanina ko lang nalaman na ang title at Kilabot at Kembot and it's not suitable for young audiences, parental guidance is advised. Grabe lang, Rated PG nga kaya yung pelikulang yun? Kasi sa pagkakaalam ko dapat GP or PG-13 lang ang mga ipapalabas sa PUVs, nakita ko sa istasyon ng Florida ang tarp na paalala ng MTRCB tungkol dito, sabi ko pa nga meron palang patakaran na ganun, at tama lang naman na meron.

Tuwing bibiyahe, parati kong hinihiling na sana Star Cinema ang ipalabas, na sana pelikula ni John Lloyd, Anne Curtis, KC Concepcion, etc. ang isalang sa player. Siguro tingin ng mga kasama ko, joke lang yun pero hindi.

Bakit gusto kong Star Cinema ang ipalabas:

  • Di ko masyadong gusto ang mga Pinoy action films. May mga actions na naa-appreciate ko pero karamihan ay hindi dahil pare-pareho lang naman kasi.

  • Di ako nanonood nakakanood ng Star Cinema/GMA/Viva/Regal movies sa sinehan.

  • Madalas, romantic comedy at light drama ang mga pelikula ng mga film producers na nabanggit ko. Yung mga tipong alam mo nang happy ending, magkakatuluyan ang mga bida at madalas walang namamatay.

Kaya natutuwa ako tuwing ang mga masasakyan kong bus nagpapalabas ng mga ganitong pelikula, di kasi ako nakakatulog pag biyahe. Naisip ko sa susunod na bibiyahe ako magdala na lang kaya ako ng DVD at yung ang ipasalang kesa naman sa mga Russian action films at kung anu-ano pang shit na pa pinipili ng mga tunay na lalake. :p

Ito ang mga tipo ng pelikulang dapat pinapalabas sa mga bus. Kudos sa mga driver ng mga bus na nasakyan ko na nagpalabas neto. :p


Popular Posts