The Jeepney Chronicles: 02.13.12

Sa dyip papuntang Zapote. Bandang Ayala, may sumakay na isang paris ng babae at lalake. Alam kong magkasama sila dahil nag-usap sila habang papasok, sabi ng lalake siya na daw hahawak nung bag na dala-dala ng girlaloo, laptop ata. Dahil medyo puno na ang dyip, hindi sila magkatabi sa upuan, bale naupo sila sa opposite seats pero hindi magkatapat.

Maya-maya out of boredome siguro dahil di gumagalaw ang sasakyan, bigla na lang silang naglaro ng finger-fight (o kung anuman ang tawag dun). Partida hindi sila magkatapat niyan, magkalapit enough para maabot nila ang kamay ng isa't isa.

Wala lang. Tamis lang. :)

Popular Posts